Kabanata 6
Photoshoot
"Tingin sa taas..."
I quickly obliged as I felt the mixture of roughness and softness of the brush just below my right eye. Naging mabilis lang ang pasada ng make-up artist doon at sunod naman ay lumipat na sa kabila.
Maingay at medyo nagkakagulo na ang mga staff sa paligid. We are now on a shoot for the deal we had a few days ago.
It felt kinda rushed because I was still overwhelmed when Denver and I signed the contract.
Mabuti nga at madalas na nagkakasundo ang schedule namin ni Denver. It made a less of a hassle for us.
"Miss Stef..."
Nilingon ko ang tawag ng isang mas batang staff sa akin. Nahihiya siyang lumapit sa akin at inabot ang isang bottled water.
I raised a brow as I receive the bottled water.
"Pinapabigay po ni Mr. Concepcion sa inyo," halos mapiyok niyang sambit.
"Oh," may gulat sa aking tono. Agad din naman akong nakabawi at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Thank you."
Mabilis siyang tumango at nagmamadaling umalis sa aking gilid. Napakurap pa ako ng ilang beses habang tinitingnan ang daan na tinahak niya.
Am I that intimidating? Sinigurado ko naman na pala-kaibigan ang tungo ko sa kanya pero para bang takot siya sa akin.
Bahagya akong ngumuso. Baka bago pa kaya ganoon.
I stared at the bottled water I am holding. Medyo gulat pa rin ako kaya inangat ko ang aking paningin sa make-up artist.
Nang makita naghahanap pa siya ng tamang shade sa isusuot na lipstick sa aking labi ay kinuha ko na agad ang pagkakataon na hanapin si Denver sa paligid.
I glanced at the whole place and saw him standing meters away from me. He's wearing a plain white v-neck t-shirt and a dark faded pants.
Hindi pa siguro siya pinapapalit ng kanyang stylist.
Nagsalubong ang aming tingin. Kinakausap siya ng kanyang stylist pero ang paningin niya ay nasa akin.
Tinaas ko ang bottled water at bahagyang winagayway. I gave him a questioning look afterwards.
"Meron kami rito," I mouthed then pointed at the jar near us that's filled with bottled water.
Hindi siya sumagot. Nilingon niya ang stylist na kumakausap sa kanya at kinausap saglit. Hindi rin nagtagal ay umalis na sa kanyang tabi ang stylist.
I watched him get his phone on his front pockets and proceeded to manipulate it. Dahan-dahan ko namang kinuha ang akin sa maliit na mesa roon.
Palipat-lipat tuloy ang tingin ko sa kanya at sa aking phone. As soon as I saw him lifted his gaze to me, I immediately felt my phone vibrated.
Lumabas doon ang isang mensahe galing sa kanya.
Denver:
Malamig 'yung tubig doon sa loob ng jar. Kumuha ako ng 'di malamig sa labas. You can drink that.
Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko.
Ako:
Huh? You didn't have to! Hindi naman ako maarte.
As soon as I hit the sent button, nilingon ko siya gamit ang isang nalilitong eksprasyon.
Tamad niyang tiningnan muli ang phone. I watched him read my message and typed his reply. Hindi rin nagtagal ay inagat niya muli ang paningin sa akin kasabay ng pag-vibrate ng phone ko.
BINABASA MO ANG
Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)
Roman pour AdolescentsRedes Sociales Series #1 Estefania Cheza Vidal only has one dream in her life since she was a little girl: to influence other people and to showcase her talents. She will do anything just to pay off the hard works she did for her career. Until one v...