Kabanata 15
Renewal
Apparently, this issue didn't resurfaced quickly like the issues I have encountered way before. Umabot iyon ng magta-tatlong araw bago nahupa ang lahat.
Hindi rin kasi kami pinagsalita ni Boss Franz tungkol sa issue sa mga tao. Ang tanging aksiyon na nagawa ay ang pag-release ng public statement ng management company.
Sinabi roon na wala nang kailangan pang ikabahala ang mga tao dahil hindi naman ganoon kalaki ang away na naganap. Tanging hindi pagkakaintindihan lamang iyon at agad namang naayos.
Sometimes, I really think that the showbiz industry and almost everything on social medias are lies. Katulad na lamang ng sinabi sa statement ng kompanya. Ni hindi pa man nga nagkikita o nagkausap man muli si Hudson at Denver ay sasabihin na nila na naaayos na ang lahat.
Such a plastic and conniving bitch.
Apparently, kahit na medyo nagkagulo ang social media dahil sa bagong chismis na nakalap nila ay kinakailangan naming magpatuloy sa trabaho. We had scheduled things on work so we had no choice but to do all of those.
I will not deny the fact that my engagement on social media are getting high, however in a bad way. Panay pagsasabi lang naman ng masama ang naroon kaya hindi ko na tinitingnan ang mga ito.
It was okay though. Malilimutan din ng mga tao ang issue paglipas ng panahon. Besides, we know what really happened so we were kind of chill with it.
"Exhausted?" tanong sa akin ni Denver pagkatapos pinaandar ang makina ng sasakyan.
We just finished another shoot for a brand. Maliit lamang iyon dahil sa maliit na negosyo ang shoot na ito. Mahilig kasi akong tumanggap ng mga promotions at pagiging ambassador ng small businesses. I just think of it as a great way to help them.
Tinanguan ko si Denver sabay bagsak ng ulo sa headrest ng upuan ng shotgun. Dalawang shoot ang ginawa namin ngayon kaya medyo bumabalot na talaga ang pagod sa aking katawan.
"Pakilakasan 'yong aircon. Ang init," sabi ko kay Denver.
Sinunod naman niya agad iyon. I groaned in relief when I felt the aggressive air from the aircon. Humilig pa ako papalapit at tinapat ang mukha roon.
Bumagsak tuloy ang buhok ko sa aking harapan kaya tinangay na rin ito ng hangin mula sa aircon.
"Do you still want to go to the building?"
"Kailangan ba?" I mumbled as I enjoy the coldness of the wind.
"I don't know? I think so?"
"Sige, pumunta na tayo. Ayaw ko namang mapagalitan 'pag 'di tayo sumipot."
He chuckled lightly. Hindi ko siya pinansin at pumikit pa habang dinadama talaga ang kalamigan ng hangin ng aircon. It was so hot outside tapos pagod pa ako.
I felt him reached for my flying hair strands. Sinubukan niyang ayusin iyon at ilagay sa likod ng aking tainga.
Napangisi ako nang naging pasaway ang buhok ko. I opened my eyes and faced him. I was welcomed with his serious face that's mixed with a slight softness in it.
Dahil nawala na ang hangin sa inaayos niyang banda ay nagawa na niya iyon ng maayos. I fixed my hair on the other side that's being blown by the cold wind.
"You're so handsome," I suddenly blunt as he caress my hair.
Kitang-kita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. He also stopped caressing my hair which made me slightly pout. Ang sarap pa naman sa pakiramdam kapag hinahaplos niya ako roon.
BINABASA MO ANG
Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)
Roman pour AdolescentsRedes Sociales Series #1 Estefania Cheza Vidal only has one dream in her life since she was a little girl: to influence other people and to showcase her talents. She will do anything just to pay off the hard works she did for her career. Until one v...