Kabanata 7

62 2 0
                                    

Kabanata 7

Spotlight

Yes, I wanted more engagements. It has always been my goal since Denver signed that contract but I am overwhelmed with what's happening!

Hindi ko alam kung dahil ba hindi sa ganoong sitwasyon ko na-imagine ang pag-init ng pangalan namin o ano. Being on the trending list is just too much for me right now!

"Can't you just calm down? Sit down for a bit, Estefania," naasar na sabi ni Naz.

Kanina pa kasi ako pabalik-balik ng lakad dito sa sala. I am waiting for Denver to come here. Aniya ay pupunta raw siya rito.

I looked at Nazneen. Tiningnan niya saglit ang puwesto sa kanyang tabi at binalik naman agad sa akin.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Sinunod ko ang gusto niya at saka kinuha ang cellphone sa aking bulsa.

"'Uy!" mabilis kong sigaw nang kunin ni Nazneen ang kakabukas ko lang na cellphone.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin. I saw her power offed my phone before placing it on the table in front of us.

"Kung ano-ano pang makikita mo roon," strikta niyang sabi sa akin.

Bahagya akong ngumuso at pabagsak na sinandal ang sarili sa backrest ng couch.

She's right. Looking at the tweets, direct messages, and posts will do no-good for me. In fact, baka maging apektado ba ako sa mga below the belt na posts roon.

Alam ko na iyon dahil lagi itong nangyayari tuwing umiinit ang pangalan ko noon. I was used to it since hindi naman ito ganoon kalaki.

But being on the trending lists in Twitter? That's a different level!

I had never been on that kind of spotlight. Hindi ko pa man natitingnan muli ang social medias ko ay halata namang pinag-uusapan pa rin kami ni Denver.

Nazneen wouldn't dare get my phone on my hands if everything cooled off!

I sighed deeply before looking at Naz again.

Lumipat siya sa pang-isahang couch. Seryoso siyang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Sometimes, I can see her aggressively typing on the screen.

"Naz," tawag ko sa kanya sa mahinang boses.

Inangat niya ang tingin sa akin. Bahagya pa ring nakakunot ang kanyang noo na para bang kakasabak lamang niya sa isang giyera.

"Sinong kausap mo?" I asked her.

"Ate Paula," sagot niya. "Sinabi ko rin sa kanya na hindi ka muna niya mako-kontak ngayon kasi pinatay ko ang phone mo."

Naz let out a quiet sigh.

"I also checked some tweets and answered some of your emails today. Just let yourself rest there for a bit. Sandali lang 'to," pagpapatuloy niya.

I nodded as I felt a gush of hot liquid surrounding my chest. Lumapit ako kay Naz at sinubukan kong isiksik ang sarili ko sa kanyang tabi.

"What the heck, Stef? Ang laki ng couch doon!" reklamo niya.

Hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy lang ang pagsiksik ng sarili sa couch. Nang tuluyang makaupo sa tabi niya ay niyakap ko siya ng mahigpit.

I can feel her chest relax after releasing a deep breath. Naz wrapped her right arm around my back while her left held my hand that's embracing her.

Kumawala ang isang maliit na ngiti sa aking labi.

I'm so glad she's here. Ever since we started this set-up, she has always been supportive of me. Kahit na anong desisyon ko, nandiyan lang siya lagi. She never left me behind.

Serendipity's Lover (Redes Sociales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon