CHAPTER 11 |Happy|
Tunay na kapag masaya ka, madali kung umikot ang oras.
Agad na nalaman nina Mommy at Daddy ang relasyon namin ni Shun. Of course! They are happy for the both of us! Ang sabi ni Mommy, expected na niya eaw iyon para sa ‘ming dalawa ni Shun.
Ate Lindra and Kuya Craige was also happy for the both of us, panay ang pang-aasar ni Ate Lindra sa ‘kin. Tulad na lang ngayon. . .
“Shun, hijo alam mo ba itong si, Lish umiihi pa ‘yan sa kama!” Nanlaki ang mga mata ko sa paratang ni Ate Lindra! Nakakahiya!
Naiinis akong tumayo at akmang susugurin si Ate na nasa tapat ng couch na inuupuan ko. Nandito kasi kami sa bahay para mag-movie marathon. Eh, sumingit ang Ate kong magaling at nakinood din!
“Hindi ‘yan totoo!” depensa ko. Pakiramdam ko ay sing-pula ko na ang kamatis sa pamumula sa kahihiyan. “Fake news ka, ah!” pikon kong sabi.
Sa rami ng sasabihin niya ‘yon pa talaga? Sa harap pa talaga ni Shun! Nakakahiya kaya! Kung pwede lang akong kainin ng lupa ay ginawa ko na!
“Hanggang ngayon, Ate Lindra?” gulat kunwaring ani Shun. Alam kong inaasar niya lang ako. Kunot-noo at naiinis ko naman siyang tiningnan, kita sa kanyang mukha ang pagpipigil ng tawa. “Sa pagkakaalam ko kasi, huling umihi si, Anya sa kama noong grade three kami.” Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Shun. Gusto ko na lang tumakbo at huwag marinig ang pinag-uusapan nila. Seryoso ba sila rito?
“Naku!” Agad namang umiling ang magaling kong Ate, ”Iyan ang fake news! Hanggang ngayon, Shun umiihi pa rin ‘yan sa kama—”
“Ate ano ba!” naiinis ko na talagang sigaw. Kung ano-ano’ng pinagsasabi niya hindi naman totoo! Pahingi nga ng packaging tape, may ipapasarado akong bibig!
Halakhak lang ang sinukli sa ‘kin ni Ate Lindra. Sira tuloy ang buong araw ko dahil sa pang-aasar niya, kung hindi lang dumating si Mommy at sinuway siya ay hindi pa siya titigil.
“Hindi totoo ‘yung sinabi ni Ate Lindra,” nakayukong sabi ko habang hinahatid si Clark palabas sa gate namin. Gusto nga sana ni Mommy na sa ‘min siya mag-dinner kaso tumanggi siya dahil wala dawng kasama si Kuya Craige. Naintindihan ko naman.
“Wee?” aniya na dinungaw pa talaga ang nakayukong mukha ko. Agad ko naman siyang sinimangutan.
“Hindi nga!”
“Masyado kang defensive!” natatawang aniya na mas lalong kinainisan ko. Hayst! Nakakainis talaga ‘pag may ate kang bruha!
”Bahala ka d’yan!” Inirapan ko siya sa inis ko.
“Uy,” aniya sabay turo sa mukha ko gamit ang index finger niya. ”Marunong ka ng umirap, ah?” aniya sabay ngisi.
“Ano’ng akala mo sa ‘kin robot? Walang mata?” pilosopong sagot ko sabay irap ulit.
“Ang cute mo ‘pag nagsusungit.” Pakiramdam ko ay may lumukso sa sestima ko sa bigla niyang sinabi. Napaawang ang labi ko sa gulat. Oh, gosh! Did he just say I’m cute?
Oh, my! Cute ka raw Lish Anya!
Ngumuso ako at pinilit na h’wag ngumisi, pinilit ko ring ikunot ang noo ko para hindi niya makitang kinikilig ako sa sinabi niya.
“Hindi nakakatuwa ang pagsakay mo sa kalokohan ni Ate Lindra. Sige na, hinihintay ka na ni Kuya Craige,” pagtataboy ko sa kanya. Kapag ‘di siya umalis may puputok na talagang ngiti sa labi ko. And gosh! Hindi ko hahayaang makita niya ‘yon.
“Nakiki-kuya ka, ah?” aniya sabay taas ng kaliwang kilay niya sa ‘kin.
“Kuya naman talaga tawag ko kay Kuya Craige, bakit?” Umiling lang siya at ngumisi.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Teen FictionLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...