CHAPTER 27 |Sample|
Katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa habang tahimik akong umiiyak. Ramdam ko ang kagustohan ni, Clark na yakapin ako pero hindi niya ginawa, hinubad niya lang ang hoodie at pinatong sa braso ko.
Nang medyo kumalma na ako ay pinunasan ko ang luha at namumungay ang mga matang tinignan siya. "I'm sorry," gusto ko 'yung sabihin sa kaniya.
Umiling siya at tinahan ako, "wala kang kasalanan. You didn't know anything, and I've hurt you...and still hurting you." Yumuko siya pagkatapos.
There's something inside of me was lifted up after he explained everything. Pakiramdam ko biglang gumaan ang dibdib ko at nawala ang mabigat na nakapatong dito.
"We've hurt each other Clark that's why I'm saying sorry. Hindi lang ikaw ang may kasalanan dito. You suffered and I suffered."
"Tama ka," tipid na aniya. Tumango naman ako sa kaniya. Ilang minuto pa kaming nanatili roon bago nagpasyang umuwi, hinahanap na rin kasi ako nina, mommy.
Hinatid niya ako sa subdivision namin, pagbaba ko sa Taxi ay nagulat ako nang bumaba rin siya. Hindi naman kailangan 'yon.
"Gusto ko lang magpasalamat, dahil finally binigyan mo na ako ng chance na kausapin ka." I bit my lower lip, hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya.
I'm even chuffed to you, Clark. You did everything just to explain your justifiable side.
Umiling ako sa kaniya para sabihing wala 'yon. Naging awkward ng muli kaming binalot nang katahimikan. Hindi ko alam, wala akong gustong sabihin pero ayaw kong umalis na siya. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga kaya naramdaman kong mukhang pareho kami ng iniisip.
"So aalis na ako?" Hindi ko alam anong klaseng tanong ba 'yon. Nagpapaalam o tinatanong ako kung gusto ko ba siyang manatili muna.
Pakiramdam ko kasi, sobrang haba ng limang taong hindi ko siya nakita para pakawalan ko siya ngayon.
"Ah, s-sige papasok na rin ako." Tumango siya pero hindi pa rin umaalis sa harap ko, ang taxi ay naghihintay sa kaniya. I bit my lower lip to stifle my smile. "Sige na Clark naghihintay 'yung taxi sayo." Natatawa kong ani, mukhang ayaw niya pa talagang umalis.
Sa huli ay malalim siyang bumuntong hininga at tumango. "I'll go now." Tumango ulit ako sa kaniya.
Nakaka-isang hakbang pa lang siya ay tinawag ko na ang pangalan niya, may bigla akong naalala. "Shun!" Meski ako ay nagulat din sa tinawag ko sa kaniya.
"Ano 'yon Anya?" Napangiti ako sa tinawag niya sa'kin.
"Pwede ba kitang... yakapin bilang kaibigan na matagal ko ng hindi nakita?" I didn't heard a respond from him. Instead siya ang lumapit sa'kin at ako ang niyakap niya nang mahigpit.
"I miss you, Anya." My spine shivered at his cold voice, when he whispered that to me.
Hindi lang mag-ex ang relasyon namin ni, Clark. Because before that, we're good friends, the best childhood friend I had, or probably have.
I spent the night thingking of Clark, what he may been through for the five years that passed. Ang alam ko lang ay nasa ibang bansa ang mama niya, ganuon din ang papa niya at may iba't-iba ng pamilya, his parents abandoned them.
Kung masakit na ang pinagdaanan ko paano pa kaya siya?
I hate myself for being not there, the time he needed me the most.
Everything turned right, I had the courage to tell my bestfriends the truth about Clark. Naghahanap lang ako ng magandang timing, busy kasi kami pareho ngayon kaya hindi ako makahanap ng time para sabihin sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Teen FictionLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...