CHAPTER 20 | Song |Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ko ngayon para tumayo sa entablado at harapin ang mga taong nanunood. Higit sa lahat, hindi ko alam kung ano ang nagpalakas sa ‘kin upang kantahin ang napili kong kanta ngayon.
Siguro sa kagustohan kong asarin siya at sabihin sa kanya ito ng personal? Malayo man ako at gamit lamang ang lyrics ng kanta, ito ang mga katagang gusto kong sabihin sa kaniya.
Sana matamaan talaga siya!
Na-realize kong lagi kong hindi nasasabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin because I easily break down, pero ngayon malakas ang loob ko kaya sana matamaan ka!
“Tungkol saan itong kakantahin mo, Lish?” tanong sa ‘kin ng host na kaklase ko lang din. May pa-interview-interview keneme pa kasi sila.
Ngumisi ako at natatawang kinuha ang mic para sumagot. “Ano, para sa taong nanakit sa ‘kin.” Sabay tawa ko dahil may halong humor ang pagkakasabi ko.
“Woaah!” sigawan ng mga kapwa ko Grade Twelve.
“Hala, hywag ‘yung masakit!” Natawa ako sa reaction nilang lahat.
"Ows, sino ba 'yan?" Intriga ng host sa'kin. Ngumisi ako at sinalubong ang seryusong titig ni, Clark sa'kin sa ibaba ng stage.
"Alam niya na kung sino siya." Seryuso kong sabi sabay taas ng kilay kay, Clark.
Loko para sayo talaga 'to!
Naghiyawan ulit ang mga ka-batchmates ko dahil napakalaking chika ng sinabi ko. Natatawa lang ako sa kanila, without further ado ay nagsimula ng tumugtog ang CD na binigay ko.
Nang malaman na nila ang kakantahin ko gamit pa lang ang tono ng kanta ay naghiyawan na sila, ako naman ay natatawa lang.
"~Minsan ka lang, dumaan sa buhay ko. Inibig kang labis ng puso ko.~"
Oo, gamit ang parehong kanta na ipinang lyrics prank ko kay, Clark ang kinakanta ko ngayon.
"~Akala ko ay tayo na bigla yatang nagbago ka ng damdamin. Bakit nakaya mong gawin."
"Aray, pighati!"
"Sakit noon ah!"
Ngumisi lang ako sa naririnig na mga komento, pumikit ako upang mas damahin pa ang kanta.
"~Parang kahapon lang wala ka na sa piling ko. Matitiis mo ba na 'di ako ang siyang kasama mo. Hindi na maipigil pa ang puso mong dalwa dalwa ang siyang mahal."
Dumilat ako at seryusong sinalubong ang seryusong tingin din ni, Clark sa'kin. Ito ang gusto kong gawin sa entablado, ang titigan siya sa mga mata habang kinakanta ang lyrics na ito.
"~Ayoko ng ibigin ka. Bakit ba nakita kang muli. Bakit ika'y nagbabalik, nagtatanong ang puso ko bakit pinahirapan mo.~"
Gusto ko lang naman talaga ay asarin siya, I don't know if I even mean the few lines from the chorus. Lalong lalo na 'yung part na, "bakit ba nakita kang muli, bakit ika'y nagbabalik."
Kasi alam ko sa kaibuturan ng puso ko, nandoon ang pagnanais na makita siya despite of the pain he gave me.
"~Nasasaktan lamang ako sa naglahong pangako mo. Nakikiusap kang muli na ika'y ibigin ko. Oh ayoko na bat ba't nakita kang muli."
Ayaw mo na ba talaga Lish? Looking at Clark's dark stares at me makes me ask that question. Hindi ko rin alam kung bakit kwe-ni-kwestyon ko 'yan ngayon sa sarili ko.
Dati naman pagtinatanong ko ang sarili ko, "ayoko na" agad ang sagot. Pero bakit ngayon nagugulohan na naman ako?
"~Ohh Bakit ba nakita kang muli, bakit ikay nagbabalik. Nagtatanong ang pusko ko bakit pinahirapan mo. Nasasaktan lamang ako sa naglahong pangako mo. Nakikiusap kang muli na ika'y ibigin ko. Oh ayoko na ba't ba nakita kang muli?"
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Teen FictionLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...