CHAPTER 19

926 36 3
                                    

CHAPTER 19 | Music Fest |

Oh, my jelly ace! Sana ay huwag ‘yung mangyari sa mga tuhod ko ngayon. Hindi ko pa naranasan ang ganito ka lapit na distansya kay Clark kaya pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa kaba.

My heart is beating so dang fast like it’s going crazy! Pati ulirat ko rito ay mababaliw na. His hot breathing hits my face makes me smell his mint like breath.

“Maniniwala ba ‘ko?” aniya sa nanunuksong boses, pakiramdam ko ay hineheli ako ng boses niya.

“K-kung ayaw mo, e-di h’wag. Walang pumipilit,” nakanguso at utal-utal kong sabi. Sa kaba ko ay halos hindi na ako makapagsalita. Mas lalo lang nadagdagan ang pagdagundong ng sestima ko nang hawakan ni Clark ang baba ko para iangat. Inangat niya ang ulo ko para magtama ang tingin naming dalawa.

“Hindi mo ‘ko pipilitin hmm?” aniya sa masuyong boses.

Mabuti na lang at nagkaroon ako ng lakas na itulak siya, nang makawala sa kanya ay agad na akong tumakbo. Mabuti na lang at hindi niya na ‘ko sinundan.

Nahahapo akong tumigil sa tapat ng building ng Senior High. Hindi ko alam saan ako hinahapo, sa pagtakbo ba o sa ginawa ni Clark kanina.

Ayaw pa rin tumigil ng puso ko sa pagpintig nang malakas kahit na nakalayo na ako kay Clark. Napapikit ako nang mariin at sinubukang pakalmahin ang sarili.

“Relax Lian, h’wag kang marupok.”

“H’wag kang marupok,” paulit-ulit na paalala ko sa sarili dahil hindi ko nagustohan ang naging epekto sa ‘kin ni Clark kanina.

“H’wag kang marupok.”


“Anong ne-re-recite mo d’yan?” Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong inakbayan ni Mae.

“Huh?” gulat kong ani.

“Namumutla ka na namumula? May sakit ka ba?” Agad akong napahawak sa pisngi ko sabay guilty na umiling. Wala akong sakit pero pakiramdam ko meron!

“W-wala,” iling ko.

“Talaga? Eh, ano ‘yung ne-re-recite mo kanina d’yan?” aniya sabay akay sa ‘kin paakyat sa floor namin.

“Huh? Wala, ano lang, ano na-miss ko ‘yung multiplication table kaya ne-re-recite ko. Hehe, 5×5= 25, 5×6= 30.” Umiwas ako ng tingin kay Mae dahil tila lawin ang panunuri niya sa itsura ko, malakas pa naman pakiramdam nito.

Pagkatapos niya akong pasadahan ng tingin ay umiling siya sa ‘kin. “Mukhang kailangan na kitang ipasok sa mental best?”  biro niya. Hindi ko kailangan ng mental best, kailangan ko ng doctor sa puso.

“Talaga ba?” pagsakay ko sa biro niya.

Hiyang-hiya ako sa tuwing nakakaharap ko si Clark. Ang tanging konsolasyon lang sa nangyaring prank-prank na ‘yon ay ang pagbili nga sa ‘kin ni ate Lindra nang hinihingi kong perfume.

Naging maayos ang sumunod na buwan, napapansin ko ang dahan-dahang paglapit sa ‘kin ni Clark. Hindi na siya nagtangkang magpaliwanag sa ‘kin, which is good for me. Kahit kailan sa tingin ko hindi ako magiging handa na pakinggan siya.

Katatapos lang naming mag-snack nang bumalik kami sa room para sa next class namin. October na ngayon at may pakiramdam kaming event na magaganap.

Ngumiwi ako kay Rose nang makita siyang nakangiti habang nagsusulat sa diary niya, gusto ko sana siyang asarin at hablotin ang diary niya kaya lang, hindi ko ginawa dahil napapansin ko ang tingin ni Clark sa ‘kin.

Para siyang CCTV ko kung makatutok, mabuti na lang at hindi napapansin ng mga kaibigan ko ang titig niyang ‘yan. Kapag gan’yan, pananahimik na lang ang nagagawa ko. Ayoko namang gumalawgaw masyado dahil baka isipan niyang nagpapapansin ako sa kanya.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon