CHAPTER 34 |Kiss|
Napaawang ang labi naming lahat nang banggitin ni, Shun ang pangalan ko. Bigla kong naramdaman ang panlalamig ng kamay ko nang sabay-sabay na bumaling sa'kin ang mga kaklase, sabay-sabay din silang nagsinghalan pagkatapos.
"Huh?"
"Si, Lish?!
"Mag-ex kayo ni, Lish!"
"Hala, totoo ba 'yan?"
"Hoy Lish mag-ex kayo?"
Samo't sari na ang reaction nila, habang ako rito ay nananatili pa ring gulat. Wala namang problema sa'kin ang sinabi ni, Clark. Nakakagulat lang kasi na kaya niyang sabihin 'yon ng ganoon kadali, oh well ano pa bang aasahan ko sa kaniya.
"Hala malaking scoop 'to! Akala namin nagliligawan lang ang meron sa room natin, meron din palang mag-ex!"
"Shut up Miko! In-i-issue-han mo masyado!" Nginiwian siya ni, Mae.
"Issue naman talaga!"
"Hoy tahimik nga kayo pagsalitain niyo si, Lish!" Suway sa kanila ni, Margareth. Nagtama ang tingin namin ni, Clark kaya agad akong yumuko para makaiwas. Pakiramdam ko ay ang pula na ng pisngi ko, sa sobrang init nito hindi ko alam baka pwede ng magluto rito.
Napakamot ako sa ulo ko, hindi ko alam ang sasabihin. Pakiramdam ko ay isa akong showbiz personality at masyado silang interesado sa buhay ko. Ano ba 'yan!
"Ah, a-ano--"
"Totoo bang mag-ex kayo?" Pinalo ni, Margareth si, Raven dahil sa pagsingit niya.
"Totoong mag-ex kami."
"Hala kailan naging kayo?"
"Secret relationship ba? Ilang months kayo?"
"Kailan lang kayo naghiwalay October lang ba?"
Nalito ako sa mga tanong nila kaya tinaas ko ang kamay para pigilan sila. Napatingin ako kay Clark nagtatanong kung pwede ba itong sabihin. It's our own privacy and hindi 'to dapat na bi-in-no-broadcast! Tsaka nakakahiya namang magkwento ng tungkol sa past ngayong kaharap ko mismo ang ex ko.
Sa huli isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago nagsalita. "Ang totoo magkakilala na kami rati pa, we're c-childhood friends actually. Tapos we got into relationship during our first year in highschool and we broke up bago ako nag-transfer sa Love Academy.
"So you mean umabot kayo ng isang taon?" Tumango ako sa tanong na 'yon.
I don't have to detail everything, I guess that's enough.
"Bakit kayo nag-break?"
"Isn't that question too personal?" Nahihiyang sabi ko, siguro sa'min na lang 'yon at sa mga taong malapit sa'kin.
"Masyado namang showbiz sumagot 'to! Kaya pala parang ang awkward nila noong una!"
"Kaya pala ang sweet nila noon nung nag-shoot tayo!"
"Ikaw Clark anong masasabi mo?" Bumaling silang lahat kay, Clark.
Nagkibit balikat naman ang isa, ang mga mata niya ay tila inaantok na, ganu'n naman talaga lagi. "Siya ang dahilan kung bakit ako bumalik dito."
"Woah!" Naghiyawan ang lahat sa sinabi niya, mas lalo tuloy nagwala ang puso ko sa loob.
"Uy move on na nga! Spin niyo na ang bottle!" Natatawang sabi ko dahil inaasar na nila kami.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Genç KurguLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...