CHAPTER 29 |Fight|
Mabuti na lang at natapos namin at na-edit on time ang ginawa naming short film. Medyo kinabahan ako dahil last two days na lang performance na nang matapos kami sa pag-sho-shoot, ako ang editor kaya
kailangan ko iyong matapos agad para sa Biyernes.Mabuti na lang at tinulongan ako ni, Clark I mean Shun sa pag-e-edit. Inabot kami ng alas dose para lang matapos ang editing ng mga videos. My parents already met Clark again, alam na rin nila ang nangyari sa mama niya. They didn't asked about our status kaya wala rin akong sinagot. Buti na lang talaga at hindi nila ako tinanong, kasi ano naman ang sasabihin ko? Na nililigawan ako ni, Clark? That he's asking for a second chance. Diba parang ang awkward naman nu'n?
Wala akong sinagot kay Shun nang magtanong siya tungkol sa chance. But given our relationship right now, alam kong alam niya na binibigyan ko siya ng chance, hindi ko man iyon sinabi verbally.
Wala ng rason para magpaligoy-ligoy pa, we've hurt each other before and sa palagay ko mas masasaktan lang namin ang isa't-isa kung pareho kaming uusad na parang pagong sa relasyon namin. He's working hard for us to get back, ngayon ay nakikipag-cooperate na ako. Kahit dahan dahan, hahayaan lang namin ang mga sarili na tanggapin at kalimotan ang mapait na nangyari noon. The mistake, misunderstanding, and the heart ache dahan dahan kong kakakimotan 'yon, without forgetting the lesson I've learned of course!
Kasi kung patuloy kong babalikan 'yon, magiging toxic lang 'yon na sisira sa'kin, sa'min.
Ngayon ay ang araw ng performance namin. Hindi naman ako kinakabahan kasi hindi naman live ang performance namin at konti lang din ang exposure ko, kulang kami sa cast kaya paminsan-minsan ay um-e-extra ako bilang tagadaan o 'di kaya ay tindira ng kung ano-ano.
Komportable lang akong naka-upo habang pinapanood ang grupo nina Rose na nag-pe-perform, siya ang bida sa role play nila kaya proud na proud ako sa kaibigan. Ang galing galing pang umarte ni, Rose hindi na ako magtataka kung makakakuha 'yan ng awards.
Mag-isa lang akong naka-upo ngayon sa helira ng mga upuan, nasa loob kami ng theater house kaya kitang kita ko sila sa entablado. si Mae ay busy bilang leader dahil sila na rin ang magpe-perform next, I heard magdu-dubbing sila. Sina Margareth at ang ibang kagrupo namin kasama si, Shun ang naatasan na mag-ayos ng projector kaya chillax lang ako rito dahil wala ng problema ang grupo namin at wala na akong gagawin.
Pagkatapos magperform nila Rose ay agad akong tumayo at pumalakpak ng malakas, ang sarap sumigaw ng kaibigan ko 'yan! Kaso lang ay nakakahiya dahil masyadong close ang theater house at may mga teachers pang nanonood.
Sunod ay sina Mae na super ganda rin ng performance. May isa nga lang na nagkamali at medyo nagkagulo sila sa bandang gitna, pero maganda pa rin naman, lalo na ang story plot nila.
Pagkatapos nila ay sabay silang bumalik sa pwesto namin, umupo sila at pinagitnaan ako. Tinapik ko ang braso ni, Mae at inalo, halata kasing nalulungkot siya.
"Ayos lang 'yan, wala namang perfect ang galing niyo kaya." I comforted her through my words. Malalim siyang bumuntong hininga at hinilig ang ulo sa braso ko.
"You did your best, Mae ikaw ang pinakamagaling sa kanila." Rose added. Ngumiti ako sa kaniya at binati siya ng congratulations.
"I did my best, I did my best." Rinig ko ang pagkunswelo niya sa sarili. Tipid akong ngumiti at hinigpitan ang yakap sa kaniya. Sa aming tatlo si, Mae ang pinakamatalino, siya rin ang pinaka grade contious.
"Uy sina Lian na! Masyadong pabitin 'to ayaw mang spoil ng story plot nila!" Ngumisi ako kay, Rose. Napagkwentohan nga namin ang tungkol sa performance. Nagtanong sila kung anong plot namin pero sabi ko secret.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Teen FictionLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...