CHAPTER 37

529 19 0
                                    

CHAPTER 37 |Gap|

An: Pasensya na kayo sa matagal na UD ko ah? Busy lang po talaga sa mga other responsibilities.... Salamat sa pag-iintindi always. 💖

----

"Pagdating mo roon susunduin ka ng kaibigan ni, Brianna. Tandaan mong mabuti ang mga binilin ko. I'll update Brianna about your arrival." Mga habilin sa'kin ni, kuya nang ihatid niya ako sa airport.

Wala na sa utak ko ang mga sinabi niya, isang tao lang ang umu-ukupa sa isip ko ngayon.

I know I should be excited cause after how many years, I now have the chance to see her, despite of the situation and condition she's facing. But there's something in my heart, something gap that I wanted to fill but... I can't. Sa pagsakay ko sa eroplano papalayo sa kaniya, hindi siya nawala sa isip ko. Siya lang ang nag-iisang laman ng puso at isip ko.

I left her, I left her without explaining and letting her conclude something that I can't do to her. Cheater daw ako. 

Kahit kailan hindi ko naisip gawin sayo 'yan Anya. Cause how can I cheat if you're the only one who's bothering my all over system! You're the only one I see and appreciate the most, ikaw ang taong lubos kong pinagpapasalamat sa Dios so how can I cheat to you?

Pero kung 'yon lang ang paraan para madali kang maka-ahon sa'kin, gagawin ko. Hate me and curse me! Tatanggapin ko dahil tanga ako na iniwan kita.

Umalis ako nang hindi nagpapaalam, mahirap at masakit but it's the right thing to do.

I let her hate me so she can move forward easily with her life.

Move on. Sa paglipas ng panahon na-realize kong mahirap pa lang gawin 'yon.

"I'm sorry," umiiyak na ani mama nang makapag-usap kami ng masinsinan.

Sorry, mababayaran ba ng sorry ang lahat? Mababalik ba nito ang panahong wala siya sa tabi ko ng mga oras na kailangang-kailangan ko siya? Mababalik ba nito ang relasyon namin ni, Anya?

Kaya bang ayosin ng sorry ang lahat?

Hindi, dahil lahat ng nasira at nalukot hindi na mababalik sa dati, only forgiveness can but not fully can, cause the bruise will still remain.

At hindi rin ako ganu'n ka simple magpatawad.

"Mr. Tuazon, you're smart and talented but you need to study more. This absentees can fail you." During my first years in Highschool in Canada, hindi naging madali ang lahat. Wala ako sa focus, laging absent, at hindi gumagawa ng mga projects. Yes I'm on the adjustment pace pero nadadagdagan lang ang lahat dahil sa patung-patung na problema.

Kahit anong gawin kong pag-aaral sa Canada, kahit anong gawin kong pagpapagod sa sarili I still can't get over her! Ang hirap! Gabi-gabi siya kung dumalaw sa panaginip ko, bawat minuto ang pagsulpot niya sa isip ko. Gusto ko nang mabaliw dahil gustong-gusto ko siyang makita, gustong-gusto ko siyang matanaw kahit sa malayo.

I blankly stared at my phone, pinag-lalaruan ito ng mga malilikot kong kamay gaya ng isip ko. Another day of receiving the curse, malungkot ako at walang ginagawa kaya siya na naman ang tumatakbo sa isip ko.

Kamusta na kaya siya?

How is she doing? Two years na rin ang nakalipas ah? Nakalimotan na kaya niya ako?

Gusto kong suntokin ang sarili dahil napaka-makasarili ko, gusto kong makalimotan niya ako pero ayaw ko. Gusto kong h'wag na niya akong isipin pero ayoko!

Nang hindi na makatiis ang sarili, binuksan ko ang cellphone at sinimulang e-type ang pangalan niya sa FB.

Lish Anya Guia

Agad na lumabas ang pangalan niya, malalim akong bumuntong hininga bago in-open ang profile niya. Sa dalawang taong lumipas ito ang unang beses na e-se-search ko ang pangalan niya. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili na hindi maki-balita sa kaniya.

Una kong tinignan ang profile niya, nakangiti siya habang naka-peace sign sa camera, sa dalawang gilid niya ay may katabi siyang dalawang babae.

Sa kaniya lang natutuk ang attention ko, hindi ko na pinasadahan ng tingin ang mga kasama niya. I touch her face over the screen in awe.

"Sana nga hindi ka nagbago." I whispered to myself, base sa picture niya siya pa rin 'yung Anya na nakilala ko. Sana nga lang totoo ang nasa larawan na 'to, sana lang ay masaya talaga siya. I bit my lower lip to stifle my sob, miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko na siyang makita pero napakahirap.

Lish Anya Guia:

Life is full of wonders and surprises. Funny how it all started and ended this way. Sana masaya ka na sa kaniya, thank you for hurting me this way. 

It's one of her current post, hindi ko alam kung ako ba ang pinapatamaan niya pero natamaan ako. Ako ba ang pinariringgan niya? Sana ako na lang, selfish man pero sana ako na lang.

Mara Elaisle Avilla:
Nagpaparinig na naman 'yan sa ex!

Unang lumitaw ang pangalan sa comment section ng babaeng 'yon. Ex? Ilan na ba ex niya?

Sakit, pagod, pagtitiis, pagtya-tyaga lahat na dinanas ko habang nasa Canada ako. According to the doctor nagiging mabuti na ang response ni mama sa therapy niya, pero napakabagal pa rin ng epekto.

"How is she?" Tulala kong tanong habang nakatingin sa langit at buwan. Nasa iisang langit at buwan lang kami pero hindi ko pa rin siya makita. Nakatingin din kaya siya sa langit?

"I heard sa Louise Villomina na siya nag-aaral, lumipat sila ng pamilya niya ilang buwan pagkatapos mong umalis." Kuya Craige answer my question for me. Kasama ko siya ngayon nakatambay sa balcony ng bahay namin. Isa ito sa mga pambihirang pagkakataon na dumalaw siya rito sa Canada, knowing his anger towards our mother nagawa niya pa ring bumisita.

"Talaga?" Tulala kong sagot. Huling beses na in-i-stalk ko siya sa FB last year pa, tinigil ko na dahil mas nahihirapan lang akong makalimot.

"I heard nagiging mabuti na ang kondisyon ni, Brianna?" Kahit kailan talaga hindi niya tinawag na mama si, Brianna.

"Yeah, that was Dr. Samson told me."

"Kung ganu'n bakit hindi ka bumalik sa Pilipinas?" Agad akong napatingin kay kuya Craige.

"Alam mong mas mahihirapan ako roon." Pairap kong iniwas ang tingin sa kaniya.

"Dahil kay, Lish? Alam mo Clark, mas mahihirapan ka kung iiwas ka! Kayo! Wala kayong closure kaya siguro ganiyan ka! Siguro closure lang ang makaka-ayos sayo." Iling-iling na aniya. Marami pang sinabi si kuya Craige sa'kin na nagtulak sa'king maging matapang. Nagtulak sa'kin na gawin ang bagay na matagal ko na gustong gawin.

"Mama, may gusto akong sabihin." Brianna smiled at me excitedly.

"Ano 'yon anak?" Natutuwang aniya.

"I want to go back in the Philippines." Agad na nawala ang ngiti sa labi niya. I started to tell her everything, everything about me and Anya. Sinubukan niya akong pigilan pero buo na ang desisyon ko, wala ng makakapigil pa sa'kin na gawin ito.

"Sige papayag ako, pero kapag nasaktan ka niya ulit Shun babalik ka rito!" She said with conviction. Wala na akong pake sa mga conditions niya. Isa lang ang nasa isip ko.

I need to get her back, I need to win her back.

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon