CHAPTER 30 |Christmas party|
Tumayo rin ako nang tumayo sila, I know my fault here. Tama nga naman si, Mae kaibigan ko sila at dapat nagdadamayan kami.
"Mae, I'm sorry na please." Hinarang ko siya pero malamig na titig lang ang pinukol niya sa'kin.
Tumingin ako kay, Rose nanghihingi nang tulong pero umiwas siya ng tingin sa'kin. They leave me with no choice I have to say this for them to understand me. Ayokong patagalin ang tampohang ito masakit at mabigat sa dibdib.
Bumuntong hininga ako at tumingala para pigilan ang pagpatak ng luha, sigurado akong maiiyak na naman ako nito. Ayokong umiiyak pero alam kong hindi mapipigilan.
"Ang totoo niyan," tumigil ako dahil nanginginig ang boses ko. Pakiramdam ko ay may bukol na humaharang sa lalamunan ko. "Totoong ayokong makidagdag sa inyo pero, ang totoo niyan natatakot ako. Natatakot akong husgahan niyo ko, natatakot akong sabihin niyong ang tanga at ang rupok ko, lalo na sa sitwasyon namin ni Clark ngayon. Pakiramdam ko hindi niyo ako maiintindihan ng bou, kung bakit ganito ako at kung bakit ganoon na lang kadali na naayos ko ang lahat sa'min. Pakiramdam ko hindi niyo ako maiintindihan kung bakit ganoon na lang ako kadaling bumigay."
"Kahit ano pa 'yan maiintindihan ka namin." Umiling ako kay Rose. Ang totoo meski sa sarili ko nagtatampo talaga ako. I want to be strong pero pagkaharap ko na si, Clark lumalambot ang buong pagkatao at paninindigan ko.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, kaya hindi ko alam kung maiintindihan ba ako ng mga kaibigan ko.
"Lian, Seven months mong tinago sa'min ang tungkol d'yan sa ex mo sa tingin mo anong maiisip namin?" Mae questioned me.
Kilala ko ang mga kaibigan ko, kilala namin ang isa't-isa, alam kong nag-aalala silang dalawa sa'kin. Sa'ming tatlo si Mae talaga ang pinakamatapang at matibay I envy her for that. Rose may look fragile, but I know she's strong inside. Ako naman ang kabaliktaran ni Rose, I make look strong outside but I'm fragile inside.
Naiintindihan ko ang sentiments nila.
Natapos ang araw na 'yon na sobrang bigat sa pakiramdam. Nag-away naman na kami before pero pakiramdam ko ito ang pinakamabigat naming away.Nang gabing 'yon ay halos hindi ako makatulog, I checked Mae's FB account pero hindi siya online.
Kinabukasan ay parang ayaw ng bumangon ng katawan ko sa kama, Sabado ngayon at wala ng pasok. Huli na sa Lunes kung kailan ang christmas party namin.
Sana lang ay magkaayos na kami, ang pangit naman magpasko kapag ganoon. I know Mae and Rose, hindi nila ako matitiis, but syempre I have to make an effort para hindi na sila magalit.
Halos humilata lang ako buong araw thingking of my bestfriends. Sa pagaaway namin ngayon, mas lalo ko pa silang na-appreciate bilang mga kaibigan.
"Ayos lang, maayos din namin 'to." Nagtanong si, Clark tungkol kina Mae at Rose mukhang nahalata niyang may tampohan kami ng mga kaibigan ko. Alam niya na rin na may kinalaman siya roon.
"Should I talk to them," umiling ako kahit hindi niya makikita. Phone call.
"No, Shun hindi ka damay, dito sa'min lang 'tong tatlo." Ani ko.
"But I'm the rason bakit kayo nag-away." Aniya sa kabilang linya.
"It's fine, ako naman talaga ang may kasalanan. And don't worry maaayos din 'to." Natahimik siya sa kabilang linya kaya natahimik din ako.
"Matagal mo na ba silang kaibigan?" Tanong niya.
"Oo, five years na. Sila ang naging kaibigan ko simula nang lumipat ako sa Love Academy. Mababait sila at masaya kasama, the two of them are bestfriend material, they are the best girls I have."
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Novela JuvenilLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...