CHAPTER 05 |Seatmates|
“Uunahin muna natin ang seat arrangement. I’m planning na h’wag ipagtabi ang boys, para walang gulo. It will be, boy, girl, boy, girl, boy. Para naman ang mga boys d’yan, mahiyang mang-cheat dahil babae ang katabi nila.”
“May mga babaeng cheater din naman po," ah!” May sumingit na lalaki kong kaklase.
Umingay ang classroom, nag-agree ang mga kapwa niya lalaki. “Oo nga po Ma’am!"
“Hindi naman po lahat cheater!”
“‘Yung iba naman matino!”
Humalukipkip ako at ‘di na napigilan ang pagsagot. “Pero mas madalas ang mga lalaking cheater!" I said bitterly sabay irap ng mga mata ko.
Huli ko na na-realize ang sinabi ko. Natahimik ang klase, lahat ng classmates ko ay napatingin sa ‘kin.
Nakakahiya! Yumuko na lang ako at nagpanggap na tila wala ‘kong sinabi.“Tama, Lish!” Agree ng isa kong babaeng kaklase.
“Marami pa rin ang mga lalaking cheater!” sabi naman ng isa, I just bit my lower lip para hindi na ulit ako makapagsalita. Halata kasing nakakain ako ng ampalaya sa ka-bitteran ko! Dinaig ko pa si Mae.
“Psst!” si Rose. Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
“What?” I mouthed.
“Ano breakfast mo? Ampalaya?” aniya sabay hagikik nang tawa.
“Enough class! Mukhang iba na ‘yang pinag-uusapan ninyo ah! Simpling cheat lang sa exam ang tinutukoy ko rito.”
“Anyways, one of my purposes bakit ko ito ginawa ay upang kahit papaano ay tumino naman ang ibang boys d’yan kapag na dikit sa girls.”
“Matino naman po kaming mga lalaki Ma’am, ah!” singit naman ng lalaki kong kaklase.
“Tigilan ninyo ‘ko, saan na naman mapupunta ang usapan niyong ‘yan! I saw your report cards already at marami nga’ng may sabit sa inyo kaya mabuting ma-aksyunan na hangga’t maaga pa." Natawa kami sa sinabi ni Miss. She sound sarcastic but with humor.
“Now, stand up! Bring your things with you! Tumayo kayong lahat sa likod.” Lahat kami ay nagulat sa biglang pag e-estrikto nito. “Faster!”.Halos mapatalon ako sa gulat sa lakas ng sigaw ni.Miss Dimañaga.
Nalulungkot kong tiningnan sina Mae at Rose. Hindi kami seatmate!
Bawat galaw ko ay estimado at kalkulado, tila naging robot na nga ‘ko. I’m fully aware of Clark’s presence kaya mas lalo akong hindi naging komportable. Unti-unti na ring kumakalma ang sestima ko pero isa lang ang sigurado. Hindi na normal ang bawat kilos ko.
Halos magsiksikan kaming lahat sa likod habang si Miss Dimañaga ay prenteng naka-upo lang sa table at tinitingnan ang class record para sa pangalan namin.
“‘Di tayo magkatabi,” Mae stated the obvious. Hindi ako nagsalita, nakikinig lang ako sa kanilang dalawa. Iniiwasan ko ang pagsulyap sa likod, natatakot akong mahagip ng tingin ko si Clark.
Sa pagsisiksikan namin ay halos magtama na ang mga braso namin, ang kaliwang braso ko ay nakakapit sa braso ni Rose na siyang katabi ko habang hinihintay namin si Ma’am na tawagin ang names namin, nagsimula na kasi siya.
Napatingin ako likod ko nang may tumamang braso sa kanan ko, halos magsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang malamang kay Clark ‘yon!
Mula sa braso niyang tumama sa ‘kin ay inangat ko ang tingin sa kanyang mukha. Saglit kaming nagkatitigan dalawa, ang mga mata niyang mapupungay na matagal ko ng hindi nakikita ay nagpapaalala sa ‘kin ng napakaraming bagay. Hindi ko kayang titigan ang mga mata niya nang matagal kaya agad din akong umiwas.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Teen FictionLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...