CHAPTER 04

1.2K 45 3
                                    

CHAPTER 04 |Bestfriend|


Parang baliw na ‘ko rito sa loob ng washroom, kanina pa ‘ko rito. Ang tanging ginawa ko lang ay ang magpalakad-lakad sa loob, kagat-kagat ang kuko at paulit-ulit na tinitingnan sa salamin kung ano’ng itsura ko kanina nang pumasok si Clark.

Ayaw e-proseso ng utak ko na si Clark ang nakita ko kanina. Classmate ko siya! At bumalik na siya!

Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko, sasaya ba ‘ko ‘cause finally after five long years! Nagkita na ulit kami o magagalit ako kasi bakit pa siya bumalik! At sa Love Academy pa talaga siya nag-aral! 

I wish the time would stop. Ayaw ko nang bumalik pa sa classroom namin, lalo na’t ang naka-upo sa likod ko ay siya! Ewan ko na lang kung makakakilos pa ‘ko.

Mas lalo pa ‘kong nainis nang makita ang mukha ko sa salamin! Pawisan, ni wala man lang powder sa mukha at nawala na ang liptint ko dahil kumain ako kanina. Ang pangit ng mukha ko! 

Baliw man kung tawagin ninyo, pero tinatak ko na sa utak ko na kung dumating man ang araw na magkikita ulit kami ni Clark. Sisiguraduhin kong maganda ako at masasabi kong, ito ang sinayang mo dude!

Pero ngayon! Wala na! Kakainis!

Kinalma ko ang sarili at tiningnan ang nakangiwi kong mukha sa salamin. Isang alala ang bumuhos sa ‘kin.





“Lish, baba ka na, nandito na si, Clark!” sigaw ni Mommy mula sa baba.

“Saglit lang!” sigaw ko rin pabalik. 
Ilang ulit ko munang sinuklay ang buhok kong hanggang balikat lang ang haba, nilagyan ko rin ng konting lipgloss ang labi ko. Konti lang para hindi masyado halata, hindi ako nakontinto sa ilang spray lang ng perfume, apat, lima saka pa lamang ako tumigil.

Si Shun Clark ay ang nag-iisa kong kababata at best friend. Sabay na kaming lumaki, ang bahay nila ay nasa tapat lang din ng bahay namin. 

Nitong taon lang kami grumaduate sa Elementary. At dahil summer na at walang pasok trip naming gumala tapos exercise kada umaga. Pero ngayong araw ay iba, nagkasundo kaming puntahan ang bagong bukas na parke malapit lang sa labas ng subdivision namin.

Ngumiti ako sa salamin, sinisiguradong maganda ang itsura ko, nakasuot ako ng light green na flowy dress at flats. Dala ko rin ang maliit kong puting shoulder bag. I brushed my lower lip and up para pumantay ang lipgloss sa labi.

Pababa pa lang ako ng hagdan tanaw ko na si Shun, naka simpleng red tee shirt lang at maong shorts. Nahiya ako sa ayos ko dahil nasobrahan yata, pero si Shun usual outfit lang ang suot.

“Bihis na bihis, ah!” puna ni Ate Lindra nang tuloyan na ‘kong makababa, nasa kusina siya at kumakain ng cereals. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, nakakahiya kaya kay Shun! 

Tinignan ko si Shun na prenteng naka-upo sa couch namin, pinaglalaruan niya sa kaliwang kamay ang itim niyang cap habang nanliliit ang mga matang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, sinusuri ang mukha at suot ko.

Nahiya ako sa tingin niya kaya niyuko ko ang ulo, sa tingin ko’y pulang-pula na ang pisngi ko.

“Aalis na kayo?” Biglang sumulpot si Mommy kaya sa kanya ako tumingin. 

“Yes My,” sagot ko.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Shun sa couch kaya napatingin ako pabalik sa kanya, “Alis na po kami Tita,” paalam niya kay Mommy.

“Sige ingat kayo,” ani Mommy sabay halik sa pisngi ko. “Clark, ikaw na ang bahala kay Lish.” Malaki ang tiwala ni Mommy sa ‘kin at kay Shun kaya hinahayaan niya kaming gumala.

“No worries Tita, kahit makulit ‘yang si, Anya ayos lang.” Sabay tawa niya, binigyan ko lang siya ng isang masamang tingin.

“Grabe ka sa makulit!” sabi ko sabay lapit sa kanya, akma kong gugulohin ang buhok niyandahil ‘yon ang pinaka ayaw niya pero agad niyang nahuli ang kamay ko at inikot, akmang babaliin ito.

“Aray!” angil ko sabay palo sa braso niya. Umiling na lang si Mommy sa ‘min. Sanay na siya.

Tahimik kaming dalawa ni Shun habang nag-lalakad sa gilid ng kalsada, nasa loob pa kami ng subdivision kaya walang taxi.

Nagulat na lang ako nang walang sabi sabing nilapit niya ang mukha sa leeg ko, sa gulat ko ay agad akong napa-iwas. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

“Bango natin, ah?” nakangusong puna niya saka umayos ng tayo. Inayos ko rin ang tayo ko, kinabahan ako sa ginawa niya.

Pinadaan ko ang dila sa mga ngipin ko dahil hindi ko alam ano’ng isasagot sa kanya.

Nagulat na lang ako nang kinuha niya ang cap niya sa ulo niya at sinout niya sa ‘kin. Natigilan ako sa ginawa niya, inayos ko ang cap sa ulo dahil natabunan ang mata ko.

“Huwag ka nang mag-lipgloss at powder. Maganda ka na kahit walang kolorete sa mukha. Masyado kang agaw pansin ngayon.”






Huminga ako nang malalim at pilit k-in-om-fort ang sarili habang naka tingin sa replekasyon ko sa salamin.
“Okay Lish Anya, maganda ka kahit walang kolorete sa mukha,” Isaid to myself. 

Tiningnan ko ang wristwatch ko at ten minutes na lang ay start na ang afternoon class namin. Laking pasalamat ko at nadala ko ang bag ko. 

Nagsuklay ako, I tied my hair na hanggang bewang ko na in a half ponytail. Nag powder din ako at lip and check tint. Ayan, mas fresh na ang mukha ko kaysa kanina.

Kahit pilit ko mang-isiksik sa utak ko na nag-ayos ako ngayon dahil sa self care. Ang ideyang nag-ayos ako dahil nand’yan si Clark pa rin ang nananaig.

Kainis!

Kabado ako nang bumalik sa room, mahigpit ang hawak ko sa dalang bag. Unang tapak pa lang sa room ay nagtama na ang tingin namin ni Clark. Nanliliit ang mga mata niyang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

There’s something in me jumped the way he looked at me. The same how he looked at me years ago. Hindi ko kayang tingnan siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at maingat na umupo sa silya ko. 

Natatawang pinasadahan ako ng tingin nina Mae at Rose.

“Blooming!” si Rose.

“Oo nga ikaw, ah!” panunuya ni Mae. 

Inirapan ko lang silang dalawa. “Self care ‘to!” Nilakasan ko talaga ang boses para marinig ni Clark sa likod. Nang maisip naman niyang hindi ako nag-ayos para sa kanya.

“Tss. . .” rinig ko ang pilantik ng dilang nasa likod ko.

Buti na lang at dumating na ang adviser namin. She introduced her self as Miss. Brianna Dimañaga.

Tss. . . Brianna! What a name!

“Okay, first nating gagawin is introduce your self,” aniya. “Syempre joke lang, magkakilala na kayong lahat no need for that. Uunahin muna natin ang seat arrangement. I’m planning na h’wag ipagtabi ang boys, para walang gulo. It will be, boy, girl, boy, girl, boy.” Napanganga ako sa sinabi ng teacher namin.

Ayos lang Ma’am, basta h’wag mo lang akong itatabi sa ex ko!

______________________________


Y

anna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitterer and IG:
@Ayanna_lhi

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon