CHAPTER 03 |Back|
Paakyat sa third floor, kung nasaan ang magiging room namin ay tulala na ‘ko.
Hindi. Paranoid lang ako masyado, hindi si Clark ang transfery student nasa Canada siya kaya imposible.
Kasi kung ako ang tatanongin kung ready na ba ‘kong makita siya ulit? The answer would be always, no. Kailanman ay hindi ako magiging ready na makita siyang muli.
Pagkatapos niya akong saktan at lokohin? Hindi ako magiging handa na makita siyang muli. Kahit nga nasa malayo siya o wala ang presensya niya ay nasasaktan na ‘ko! Lalo na kapag naaalala ko ang nakaraan namin. Paano pa kaya ‘pag nakita ko na siyang muli?
I’m sure I will be wreck and broken again!
“Dito,” ani Mae na nagpagising sa ‘kin mula sa malalim na iniisip.
“Room 301,” pagkompirma ni Rose sabay tingin sa taas ng pintuan kung saan may nakalagay ngang 301.
Pinuno ko ng hangin ang baga ko, hinahanda ang sarili sa maaaring makita sa loob.
“Hoy! Ayos ka lang? Kanina ka pa, ah? Mukha kang may sakit,” puna sa ‘kin ni Rose. Gezz, masyado na ba ‘kong halata?
“Mukha kamong constipated,” dagdag ni Mae sabay ngiwi sa ‘kin. “May iniiwasan ka o hinahanap?” aniya sabay linga-linga sa paligid. “Kanina ka pa tingin nang tingin sa paligid mo, kulang na lang mabali ‘yang leeg mo."
“Pansin ko rin," ani Rose.
Okay! I need to stop my self for being paranoid. Masyado na ‘kong nahahalata ng mga kaibigan ko.
“Don’t mind me,” sabi ko sabay ngiti nang pagkatamis-tamis. Nauna pa ‘ko sa kanilang pumasok sa room.
Nang ilibot ko ang paningin sa loob ay tila nabunotan ako ng tinik sa dibdib. Mayroon ng iilang students na kaklase lang din namin last year.
May isang lalaking ‘di pamilyar sa ‘kin at hula ko ay siya ang transfery. Positive, walang bakas ni Clark rito. Isa pa, hindi naman gaano unique ang apelido niya, marami siyang kapareho ng apelido kaya hindi siya ‘yung tinutukoy ni Rose.
Talagang paranoid lang ako para isiping siya ‘yung transfery.
Tsee! Mabulok siya sa Canada! H’wag na siyang umuwi!
“Ang linis ng room,” puna ni Rose.
Pumwesto kaming tatlo sa 2nd to the last na part. Ako, si Mae at si Rose.Pabagsak akong umupo sa armchair. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, masaya akong wala si Clark dito pero tila may parteng bumagsak sa loob ko.
Pinalis ko na ang pag-iisip tungkol kay Clark nang magsimulang magkwento si Mae. I need to act normal nahahalata na nila ako.
Nanonood kami ng mga funny videos sa phone ni Mae. Na-disarranged pa nga ang mga chairs para lang malapit ang armchair naming tatlo. Tawa kami nang tawa sa mga epic accidents or fall na kinompile sa iisang video.
Wala pang teacher at medyo malayo pa ang oras para mag-start ang afternoon class kaya malaya kaming tatlo. We choose to stay inside the classroom ang init din kasi sa labas.
“‘Yan ba ‘yung transfery?” bulong ni Rose, ang kanyang index finger ay maingat na nakaturo sa lalaking hindi ko kilala o namumukhaan man lang.
Hindi ko kilala kaya malamang transfery nga ‘yan.
“Bakit, crush mo?” nakangiwing ani Mae. Sa aming tatlo, si Rose ang madaling magka-crush. Si Mae naman, walang pake sa love or crush man lang. Ako naman. . . hindi pa rin maka-move on sa ex.
“Hindi, nagtatanong lang eh,” ani Rose.
“Kilala kita gurl!” tukso ni Mae kaya lahat kami natawa.
“Flavor of the month!” dagdag ko, sabay kaming tumawa ni Mae habang si Rose ay nakanguso na pero natatawa pa rin.
Habang tumatawa ay dumapo ang tingin ko sa pintuan ng room namin. Nabitin ang ngisi ko sa ere nang makita ko kung sino ang lalaking papasok. Dahan-dahang nawala ang ngisi ko, ilang beses kong kinurap-kurap ang mga mata dahil baka sakaling namamalikmata lang ako. Pero hindi.
Nang makompirma ko kung sino iyon ay tila sinilaban agad ang puso ko. Dumagundong ang sestima ko at sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko ay pakiramdam ko’y nasira na ang mga ribs ko. My breathing became irregular at tila panandaliang tumigil ang mundo at paghinga ko.
In a black rubber shoes, faded maong, white polo folded hanggang siko, his perfectly waxed hair on the side. Preskong pumasok si Shun Clark sa classroom.
His back! My ex is back!
Nakaawang na ang bibig ko, deritso ang tingin ko sa kanya ngunit siya ay wala man lang tiningnan ni isa sa ‘min.
Ako lang ba ang nakakaramdam na tila tumahimik ang paligid nang sandaling pumasok siya?
I felt so numb habang nakatitig sa kanya, tila naging robot ang katawan ko dahil automatic itong umayos ng upo. Naging maugong ang pagsinghap ko dahil tila nakalimutan ko nang huminga lalo na nang nilampasan niya ang upuan ko.
Hindi ko alam kung nakita niya ‘ko o hindi dahil wala naman siyang tiningnan na kahit sino. Hindi na ‘ko komportable, abot-abot na ang pagtahip ng dibdib ko. Lalo na nang naramdaman kong umugong ang armchair sa likod ko.
Sa likod ko umupo si Clark!
Naging steady ang pag-upo ko, tuwid na tuwid ang likod ko na tila ba pinalaki akong prim and proper palagi.
Hindi ko na nakayanan pa ang lumingon dahil tila nag-stiff na ang likod ko.
Hinihingal ako kahit na wala naman akong hika. Dumapo ang palad ko sa dibdib para damahin ang lakas ng pintig nito.
“Bagong transfery ulit. Guwapo, ang kinis at puti,”rinig kong bulong ni Rose kay Mae. Dahan-dahan ko silang nilingon, nag-iingat na hindi mahagip ng tingin ang taong naka-upo sa likod ko.
“Crush mo ulit?” si Mae.
“Ano ba! Hindi ‘no!” sagot ni Rose. Hindi ko sila masabayan dahil okupado ang isip ko.
“Anyari naman sa ‘yo ‘te?” malakas na tanong ni Mae. Dang!
“Mukha ka talagang constipated!” dagdag ni Rose. Dang, what a friend! Maririnig sila ni Clark sa likod ko!
Nag-papanic akong tumayo at hindi tumingin sa likod nang kinuha ko ang bag ko na naka sabit sa likod ng armchair. “Washroom lang muna ako,” paalam ko sabay dali-daling umalis. Walang lingon-lingon, pagkalabas ng classroom ay agad kong tinakbo ang dulo ng hallway kung nasaan ang common bathroom.
______________________________
Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️For more updates!
Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan HeartsLike My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhiFollow Me on Twitterer and IG:
@Ayanna_lhi
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Teen FictionLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...