CHAPTER 17 |Prank|
“Mas bagay ‘to,” ani ate Lindra habang pinagkukumpara ang kulay pink at violet na balloons.
“Aray!” angil ko nang pinalo niya ang hita ko. “Ano ba!” singhal ko sa kanya.
”Tinatanong kita, alin ang mas bagay?”
“Nagtanong ka ba?” sagot ko pabalik. Nandito kasi kami sa kwarto ko para e-prepare ang mga designs na gagawin namin para sa surprise namin kina Mommy at Daddy. Anniversary kasi nila, at the same time, gumagawa rin ako ng banner para kay Mae.
Gusto ko sanang sa kwarto niya na gumawa ng mga ito, kaso ang arte ng isang ‘to at ayaw daw magkalat sa kwarto niya!
May nag-text sa cellphone niya kaya ‘yon ang pinagkaabalahan niya.
”Yes!” sigaw niya sabay fist up sa ere. “I got my suweldo.”
“Talaga? Manlibre ka!” Sabay lapit ko sa kanya, galanti pa naman ang isang ‘to kapag may pera!
“Manigas ka,” sabay irap niya sa ‘kin. Nginiwian ko naman siya.
“Ate, ang ganda mo ngayon? Kaya manlibre ka na,” pambobola ko sa kanya.
“Matagal na gurl? Ngayon ka lang na-inform?” Sabay hawi niya sa buhok niya papunta sa mukha ko. Umirap ako at bumalik na sa ginagawang banner, kinuha ko na lang ang gunting at nagsimula nang mag-cut ng pattern.
“Nag-chat sa ‘kin si, Clark.” Dahil sa biglang sinabi niya ay muntik ko nang magupit ang daliri ko.
“Ano!” Malakas kong sigaw, dali-dali akong lumapit sa kanya para makakuha ng sagot. ”Totoo? Ano’ng sinabi niya? Ano’ng sinabi mo?” sunod-sunod kong tanong na akala mo’y emergency ang nangyari. Hindi ako natinag sa kaba nang ngumisi ang loka-loka kong kapatid, ‘pag ganito ay alam niyang may magagamit siya laban sa ‘kin.
“Ano nga’ng sabi!” frustrated kong ulit. Alam kong magkakilala sina Ate at Clark, masasabi ko ring close sila kaya normal ang mangamusta. Ang kaso ay natatakot ako sa mga sasabihin ni Clark kay Ate, lalong-lalo na sa mga sasabihin ni Ate kay Clark! Baka mamaya ano-anong e-report ng kapatid kong ‘to!
“Secret!” Pagkatapos ay nang-aasar siyang ngumisi sa ‘kin.
“Sige na Ate, sabihin mo na please!” Halos ugain ko na ang balikat niya sa pakiki-usap.
“Ayoko!" Umiling siya sa ‘kin. Halos maiyak naman ako sa inis dahil tuwang-tuwa pa ang kapatid ko sa reaction ko sa mga pinanggagagawa niya!
“Ate naku! Subukan mo lang talagang mag-sabi ng kung ano-ano kay Clark tungkol sa ‘kin patay ka talaga!” pambabanta ko.
“Paanong patay?” aniya sabay hagalpak nang tawa.
“Ano nga’ng sinabi? Nagtanong tungkol sa ‘kin?” pagsubok ko ulit.
“Assuming ka, Sis—”
“Sino unang nag-chat, ikaw ba o si, Clark?” tanong ko.
“Sasabihin ko sa‘yo ang convo namin sa isang condition.” Natigilan ako sa sinabi niya, ang ngisi niya ay nagpapakita ng kabaliwaan ang gagawin niya.
“Ano ‘yon?”
“Sabihin mo munang Oo,” paninigurado niya, wala yata akong panama sa business advertiser na ‘to! Ginagamitan niya ‘ko ng taktika niya!
”Ano nga muna!” Bahala siya, baka kung ano-ano ang ipagawa niya sa ‘kin!
“Kung ayaw mong mag-oo, edi h’wag.” Hayts, napabuntonghininga ako nang malalim. Despirada akong malaman ang conversation nila.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Teen FictionLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...