CHAPTER 02

1.4K 45 0
                                    

CHAPTER 02 |Transfery|


Tila may tumalon sa loob ko nang marinig ang pangalang ‘yon. Pangalang hindi ko na naririnig nang ilang taon. That cold voice is so familiar that it sent shiver down my spine.

Automatic na nag-freeze ang galaw ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko na siguro’y maaari na ring marinig ng taong nasa malapit ko lang.

Hindi ako makahinga, hindi ko gusto ang ganitong klase ng pagtibok ng puso ko. Masakit. Tila may tambol sa loob ng dibdib ko at bawat hampas nito ay masakit.

Hindi. Impossible. . .

“Huy! Ayos ka lang?” tanong ni Mae na nagpagising sa ‘kin. Hindi ko siya pinansin, automatic ang paglingon ko sa likod upang kompirmahin kung kaninong boses ‘yon.

“Pangalan?” tanong ulit ng staff.

“Nerisa Chavez,” ani ng isang babae.

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon, pero wala. Hindi ko siya makita.

Medyo kumalma na ‘ko at medyo nawala na ang panic attack ko. Pero ang puso ko ay hindi pa rin humuhupa sa pagtibok nang malakas.

Nagmamalikmata lang siguro ako? Na mali ng dinig? Impossible, nasa Canada na siya.

Epekto lang siguro ‘to nang madalas na pag-iisip ko sa kanya, lalo na‘t kanina ay napag-usapan siya ni Ate Lindra.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Rose. Hinarap ko sila at bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha. Huminga ako nang malalim, patuloy na kinakalma ang sarili bago nagpilit ng ngiti.

“W-wala,” sabi ko habang lumilinga-linga pa rin sa paligid. Pati sina Rose at Mae ay tumingin-tingin na rin sa paligid na tila ba naghahanap ng matinong sagot sa tanong nila sa ‘kin.

“Sino hinahanap mo?” usisa ni Rose. Tinigil ko na ang pagtingin sa paligid at nag-focus na lang sa kanila para hindi sila magtaka.

“W-wala, akala ko lang sa kakilala ko ‘yung boses na narinig,” I simply said, I didn’t lie though.

My friends knew about my ex na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-ahon. Nakwento ko na sa kanila ang sad story ko at alam din nila kung paano ako nasaktan at patuloy na nasasaktan. Pero hindi nila alam ang pangalan at itsura ng ex ko dahil hindi ko sinabi sa kanila. Ayaw ko kasing me-ne-mention ang pangalan niya. Kasi kahit pagbigkas lang ng pangalan niya ay masakit din.

Shun Clark Tuazon, hah!

“Okay?” ani Mae na tila hindi binibili ang palusot ko. “Tara na sa court,” aniya na sabay naming tinanguan ni Rose.

Sa nakagawian ay walang morning class kapag first day dahil nilalaan ang oras nito para sa back to school program at paghahanap ng mga students ng kanilang classrooms.

Deritso na kaming tatlo sa court kung saan gaganapin ang opening class program na malapit na mag-start.

Nakahelira kaming tatlo na umupo sa pinakamataas na bleachers habang ang mata ko ay naglalakbay sa dagat ng tao sa kabilang bleachers at sa baba. Ang design ng stage ay nakakamangha rin.

Mix red and white curtains ang background, terno sa uniform ng Love Academy. In a silver fonts, may nakasulat na opening program at ang school year.

Lahat kami ay ni-request na tumayo para sa prayer, national anthem at pagkanta ng school hymn. Sa program ay nag-speech ang dean at ni introduce ang tema para sa school year na ito. May nagsalita rin mula sa representative ng Vellomina family, pinsan ni Rose na siyang may-ari ng skwelahang ito.

Pinakilala isa-isa ang mga school staffs, personel, and teachers. Nagiging boring na ang program kaya napahikab ako nang wala sa oras.

Mula sa stage ay nilibot ko ang tingin sa mga naka-upo sa kabilang bleachers para lang malibang ang mga mata.

Tila may pumalo sa dibdib ko nang may mahagip na pamilyar na pigura. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, ‘yung klase ng pagtibok na masakit.

Binalikan ko agad ng tingin ang nakita kong pamilyar na mukha ngunit hindi ko na mahagip.

Ilang beses kong binalik-balikan ng tingin ngunit wala na ‘kong nakita.

Ano bang meron sa araw na ‘to? Bakit nagpaparamdam ang presensya ni Clark sa ‘kin?

Humugot ako nang malalim na buntonghininga bago pinalis ang namumuong pawis sa noo ko. Ipinirmi ko na lang ang tingin sa stage para maiwasan ng isip ko ang pag-iilusyon ng kung ano-ano.

Nagpalakpakan kaming lahat nang may tinawag sa stage upang mag-present ng kanta. Si Jaydañiel, kilala siyang singer sa school dahil ilang beses na siyang nagpresenta ng kanta. Hindi nakakasawa ang boses niya. Ka-batchmate lang namin siya.

Siniko ko ang katabing si Mae, “Hmm?” baling niya sa ‘kin.

“‘Di ba kaibigan ‘yan ng kuya mo?” Sabay nguso ko kay Jaydañiel na ngayon ay nagsisimula ng mag-strum sa guitara niya.

“Huh? Ah, Oo si Jayda,” tango-tangong aniya.

“Ang ganda talaga ng boses,” komento ko habang nakikinig sa inaawit nitong tagalog love song.

“Oo nga,” aniya.

Kahit papaano ay na distract naman ang isip ko sa pakikinig sa kanta, agad kaming nagpalakpakan nang matapos siyang umawit. Pagkatapos ay ang pagtatapos na ng program.

“Aahh!” sabay-sabay naming angil sa court nang sinabing resume at back to normal ang klase para sa hapon.

“Uy! Huwag ninyong kalimutan ngayong Sabado, ah?” paalala sa ‘min ni Rose habang naglalakad kami patungong cafeteria para mananghalian.

“Naman! Hindi namin ‘yan kakalimutan ‘no!” Si Mae.

“Malamang! Birthday mo tapos kakalimutan namin?” sabi ko. Sa aming tatlo si Rose ang pinakabata. Nag-eighteen na kami ni Mae last year pa, siya ay ngayong taon lang.

Nahihiyang ngumiti lang sa ‘min si Rose. “Pero alam ninyo guyz. Ayoko pang mag-eighteen,” nakangusong aniya, ang boses niya ay puno ng kalungkotan.

“Bakit naman?” tanong namin ni Mae pero may hinuna na kaming rason.

“Eighteen is the age of legalty and freedom. But for me it’s not,” simpling aniya pero naiintindihan namin.

“Cheer up friend!” Sabay yakap ni Mae sa gilid niya. Simple ko namang tinapik ang balikat niya.

“Kaya ‘yan.”

As usual maingay na naman ang malawak na cafeteria ng school. Pabilog ang mga pulang lamesa rito habang puti naman ang mga chairs.

Pagkatapos makuha ang order ay umupo na kami sa usual spot namin at doon nag-chitchat.

Kagat-kagat ko ang fried chicken nang mag-open up ng topic si Rose. “Alam ko may dalawang classmates tayo na transfery ngayon eh,” aniya sabay kagat sa pizza niya. “Puros lalaki. ‘Tuazon ‘ata apelido ng isa? Sa section ba natin or sa kabila ‘yon? Nakalimutan ko basta nakita ko sa list.”

Literal na nahulog sa bibig ko ang kagat-kagat na manok. Transfery? Masama ang kutob ko dito, ah.

______________________________

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitterer and IG:
@Ayanna_lhi

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon