CHAPTER 28

641 27 1
                                    

CHAPTER 28 |Chance|

Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa biglang ginawa ni, Clark. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakagulat. Napatitig ako sa mga mata niyang seryusong nakatitig sa'kin. Dahil sa lapit namin ay parang maduduling ako kakatitig sa kaniya kaya pinikit ko ang mga mata ko.

Tumatama ang mainit niyang hininga sa pisngi ko, his breath smells like mint also. Ano kayang kinakain nito at laging ganito kabango ang bunganga? Parang ayaw ko na tuloy huminga ngayon.

Halos magsitindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman kong humaplos ang mainit niyang palad sa braso ko. My body stiffened at his sudden move!

"I miss you so much," pakiramdam ko ay heneheli ako ng boses niya.

"Ahem," pekeng umubo si, Margareth kaya nabalik ako sa katinuan ko. Natataranta kong naitulak si, Clark para mapalayo sa kaniya. Nang ilibot ko ang paningin sa paligid ay lahat ng mga kagrupo ko ay nanonood na sa'min, puros nakaawang ang mga labi.

"A-ano, 'yon ayos na iyon m-magandang eksena 'yon." Sa hiya ay nauutal ang boses ko at halos hindi ako makatingin sa mga mapanuri at malisyosa nilang titig.

"That was intense," nagpakawala ng malalim na buntong hininga si, Clea pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Nangangamoy something ah?" Nang tignan ko si, Margareth ay nakangisi na siya sa'kin.

"Us in ganoon talaga gagawin namin?" Ani Jayve na tinatapik na ang likod ni, Clark.

"Ganoon 'yon," malamig namang ani Clark bago tumalikod at naglakad palayo.

Dahan dahan kong pinakawalan ang hininga ko, mukhang kanina pa ako hindi humihinga dahil sa ginawa ni, Clark. Meski ako ay nagulat din sa ginawa niya.

"Is there something between you and Clark?" Usisa ni, Margareth sa'kin habang nag-aayos kami ng mga gamit. Tapos na kaming mag-shoot para sa araw na 'to.

"Anong something?" Maang-maangan ko, kahit naman na alam ko ano ang tinutukoy nila. Alam kong nakakahalata na sila sa'min ni, Clark. Ganoon ba kami ka obvious? Unang araw pa nga lang ng project namin ah.

"Nanliligaw siya sayo?" Deritsahan niyang tanong kaya napatigil ako sa ginagawa. "Anong nanliligaw?" Natatawang ani ko sabay iwas ng tingin. "Walang kung ano sa'min ni, Clark." Dagdag ko.

"Eh ano 'yung nasa puno kayo? Ang sweet niyo! Tapos kanina, wala naman sa script 'yung ginawa ni, Clark!" Hindi na nakatakas ang tilhi sa boses ni, Margareth kaya nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. "You know what? Simula nang dumating 'yan dito never ko pa 'yan nakitang nakipag-usap ng matagal sa mga babae, laging isang tanong isang sagot. At kahit nakapila na ang mga babaeng hindi lang yata pirma niya ang hangad the same lang ang pinapakita niyang reaction sa kanila. Sayo lang talaga ang kakaiba, the way he looked at you, Lish ibang iba." Marami pang sinabi si, Margareth pero hindi ko na nasundan. Gusto ko sanang sabihin na childhood friend kami ni, Clark kaya ganoon pero alam kong magtataka sila. Hindi kami close ni, Clark nang magsimula ang klase.

Mabuti na lang at natakasan ko, namin ang mga pang-uusisa ng mga classmates namin.

"Kamusta na ang mama mo?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa park, dala dala niya ang back-pack ko at ang kaniya. Mahaba pa ang oras namin kaya nagpasya kaming gumala muna, siya raw kasi ang maghahatid sa'kin.

"She's slowly recovering, the doctor told us na malaki ang posibilidad na maging cancer survivor siya. The past years she's in therapy mahirap but she managed to survive."

Namangha ako sa sinabi ni, Clark I didn't expect the situation to be this way. Kahanga-hanga rin ang mama niya, I heard cancer therapies are not easy.

"Mabuti naman kung ganoon." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay muling namutawi ang katahimikan sa'ming dalawa.

Ang park na ito ay malapit lang sa subdivision namin, maganda at tahimik ang lugar. Ang mga santan na kulay pula ay nakahelira sa mga lalakaran, panay din ang pag-ulan ng kulay dilaw na bulaklak mula sa naglalakihang puno nito. Tumigil kami ni, Clark sa tapat ng higante nilang christmas tree. Ilang Linggo na lang pala pasko na.

"I saw you riding a bike before, ba't hindi mo dala ngayon?" Naalala ko 'yung araw na nahuli niya akong b-in-na-backstab siya kina Rose at Mae.

Nagkibit balikat si, Clark. "Kasi alam kong ako ang maghahatid sayo ngayon kaya hindi ko na dinala." Simpleng aniya, simple lang pero pakiramdam ko ay tinutunaw ang puso ko. I suddenly miss the old times, 'yung mga panahong sabay kaming uuwi mula sa school.

"Paano mo naman nasabi na gusto kong magpahatid sayo?" Nakangusong sabi ko.

"Kasi alam ko lang." Tipid pa ring aniya.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at p-in-icturan ang malaking christmas tree sa tapat namin. Elegante ang kulay gold nitong theme kaya perfect for pictures.

"Kunan kita ng litrato?" Ani Clark nang makita ang ginagawa ko. Gusto ko pero agad akong umiling. Nakakahiya naman 'yon.

Umawang ang labi ko nang hablotin niya ang cellphone sa kamay ko at tinutok 'yon sa sa'kin. "Uy h'wag!" hindi ko alam ang gagawin, tatabonan ba ang mukha o tatabonan ang camera.

"Sige na, h'wag ka nang mahiya I'm a good photographer you know?" Tinaas niya ang isang kilay sa'kin.

Sa huli ay wala akong nagawa kun'di ang tipid na ngumiti sa camera, sana lang ay hindi ako mukhang bangag today. Nakakahiya talaga.

"You want fishball?" Ani Clark nang dumaan ang vendor ng fishball. Ngumiti ako at agad na tumango.

"So dadalhin mo ang bike mo sa susunod? Bike tayo! Kaso sa subdivision lang namin ako pwede."

"I'll go to your subdivision then, doon tayo iikot." Tumango ako dahil nagustohan ko ang idea. Siguro tamang araw din 'yon para papuntahin si, Clark sa bahay. I'm sure my parents missed him too.

I'll ask the girls to go outside one of this day, kung kailan hindi na kami busy. Sasabihin ko rin sa kanila ang tungkol kay, Clark.

Habang kumakain ay nagke-kwentohan kami ni, Clark. I've asked him more questions about his life there in Canada. Nalaman ko rin kung saang paaralan siya nag-aaral.

That day went so well, nandito pa rin ang takot sa puso ko para sa'min ni, Clark. The same to what I felt six years ago. Pero siguro normal na ang takot at hindi na talaga mawawala 'yon.

Is our relationship deserve second chance? I'm laying in bed thinking of that question. 'Yan din ang hiniling ni, Clark bago siya umalis kanina.

"Clark, thanks for today." Nakangiting ani ko sa kaniya nang marating namin ang tapat ng gate ng bahay namin.

"Ako dapat ang magpasalamat." Aniya sa'kin. "Anya, pwede mo ba akong tawagin gaya ng tawag mo sa'kin dati?" Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya. Napansin niya siguro ang pagkakagulat ko kaya agad niyang binawi. "Ayos lang kung hindi."

Ako naman ang umiling sa kaniya, gusto ko dahil ako lang ang tumatawag nu'n sa kaniya, sadyang nagulat lang talaga ako na hiniling niya 'yon mismo.

"A-ayos lang sakin... Shun."

"Salamat, Anya. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I've told you before that I'm gonna win you back. Na-realize ko lang na masyado akong selfish nang sabihin ko 'yon. I didn't think of what you felt, kaya ngayon ikaw ang tatanongin ko." Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nadagdagan lang ang kaba nito nang putolin niya ang sinabi.

"Can I ask for second chance?"



Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon