CHAPTER 23 |Hugot|
Tahimik ang paglalakad namin kaya nagulat talaga ako nang magsalita siya, mas lalong nakakagulat nga lang ang sinabi niya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Nagseselos ba siya? O well sabi niya noon nagseselos siya kay, Grey. Bakit naman siya magseselos kay, Red? Wala namang ginawang ano 'yung tao.
"Hindi ako mahilig sa kulay na pangalan, anong pinagsasabi mo d'yan?" Inirapan ko siya at bahagyang nagpamauna sa paglalakad. Gaya noong una ay nag-jeep din kami, wala akong sasabihin sa kaniya kaya nag-headset na lang ako at nakinig ng music.
"Nagsusulat ka pa rin?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok ng subdivision namin. Nakita ko kasi noong isang araw na may lumapit sa kaniyang dalawang babae at nanghingi ng pirma niya.
"Oo, hobby lang." Tipid niyang sagot. Alam kong nagsusulat na siya dati pa, hindi ko alam na pinagpatuloy niya hanggang ngayon.
"Saan ka nagsusulat?"
"Online," tumango ako at 'di na nagsalita dahil nasa tapat na kami ng bahay namin. Nanlaki nga lang ang mga mata ko nang biglang lumabas si, ate Lindra at huli na para magtago!
Gulat din siya nang makita niyang magkasama kami ni, Clark.
"Dang," napakagat ako sa labi at saglit na pumikit nang mariin. Nagpalipat-lipat ang tingin ni, ate Lindra sa'min ni, Clark. Mula sa pagkakagulat ay napalitan ito ng ngisi.
At bago pa siya makapagsalita ay agad ko nang tinawid ang distansya namin at tinabonan ang bibig niya gamit ang palad ko. Baka ano pa ang masabi niya kay Clark!
"Tara na ate, may ibibigay ako sayo." Sabay hila ko sa kaniya.
"Shamdali la--" her voice was muffled because of my hands on her mouth. Agad ko na siyang hinila pabalik sa bahay namin. Ni, hindi na ako nakapag-paalam kay, Clark!
Binitawan ko lang si, ate nang nasa tapat na kami ng pintuan, sunod sunod agad ang mga tanong niya.
"Bakit magkasama kayo ni, Clark? Bakit ka niya hinatid? Nagkabalikan kayo? Akala ko ba ay magmo-move on ka na?" Napairap ako sa walang tigil niyang tanong.
"Kausapin mo 'yung bato!" Sabay turo ko sa granite stones sa garden namin.
Akma ko siyang tatalikuran dahil papasok na sana ako sa pintuan pero pinigilan niya ako."Nangangamoy balikan ah? Ang rupok mo naman." Nang-aasar na aniya habang pinanliliitan ako ng mata. Agad akong nainis sa sinabi niya kaya nagmartsa na ako papasok sa bahay.
"Ano 'yung ibibigay mo!" Pahabol niyang sigaw.
"Wala!" Naaasar ko ring sigaw pabalik. Anong rupok ka d'yan!!
Kung marupok ako edi sana kami na ulit! Diba? Diba?
Pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama, may balak sana akong e-chat si, Clark na sabihin sa'kin kung nakauwi na siya. Kaso sa sinabi ni, ate Lindra ay na-badtrip ako!
Hindi ko na lang ginawa para mapatunayan sa sarili na hindi ako marupok! Pero sa totoo lang hindi ako mapakali, somehow I survived that night without opening my phone.
Mabilis ang paglipas ng mga araw, pagpasok ng Nobyembre ay naging maayos naman ang lahat, nagbakasyon kaming pamilya kina lola bilang celebration sa undas.
Kaya lang last week ay matinding gulo ang hinarap namin, gumalaw na naman kasi ang mga inggetera kaya pinagdiskitahan na naman si, Rose.
Nakakagalit talaga ang mga taong binababa ang iba dahil lang sa inggit!
Napaka-unreasonable nila! Malaki ang naging epekto ng ginawa nila kay Rose last week, naging matamlay siya at tahimik. Ngayon ay talagang binabantayan na namin siya ni, Mae para 'di na maulit 'yung nangyari.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
JugendliteraturLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...