CHAPTER 24

630 25 2
                                    

CHAPTER 24  |Groupings|


Brianna again? Pakiramdam ko ay may bumagsak na mabigat na bagay sa dibdib ko nang marinig ko 'yon mula kay, Clark.

I run as fast as I could pabalik sa classroom namin, pinili kong sa room na dumeritso. Tahimik na sila pagbalik ko pero sira-sira na ang seat arrangement. Pabagsak kong inupo ang sarili sa upuan ko at agad na yumuko, hindi na nakayanan ng luha ko ang magpigil, sunod sunod ang pagtulo nito. Pinigilan ko ang paghikbi pero hindi ko makaya, gusto ko na lang isigaw 'tong nararamdaman ko.

"Hey anong nangyari?" Naramdaman ko ang pagkataranta nina, Rose at Mae nang lumapit sila sa'kin. Patuloy lang akong umiyak dahil hindi ko na alam ang sasabihin sa mga kaibigan.

"Hey, sinong umaway sayo?" They tapped my back trying to comfort me, mas lalo lang akong naiyak sa ginagawa nila.

Pakiramdam ko nakaka-awa ako sobra. Bakit ba kasi ang hina-hina ko?
Bakit kailangang ganito ako?

Umahon ako at umiling sa mga kaibigan, kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Hinawakan ni, Mae ang mukha ko, trying to wipe my tears.

"Lian, bakit?" Si, Rose sa boses na puno ng pag-aalala.

Umiling ako sa kaniya, "wala masakit lang puson ko." Humikbi ako at niyakap si, Mae siya kasi ang kaharap ko. Sa bisig niya ako umiyak ng umiyak, gusto kong sabihin sa kanila ang totoong problema ko pero nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili kong katangahan, kabaliwan at kahinaan.

'Yon ang dahilan kaya hindi ko masabi sa kanila ang tungkol kay, Clark. Mabigat ang problemang kinakaharap nina, Mae at Rose. Dadagdag pa ba ako na walang ibang problema sa buhay kun'di ang sarili kong katangahan? Foolish love?

Siguro pagtatawanan lang ako nina, Mae at Rose. Wala naman kasing katuturan ang problema ko kompara sa kanila. Sila na mas mabigat pa ang problema sa'kin chill lang at kinakaya, tapos ako ito ngawa ng ngawa? Dahil lang sa pag-ibig? Napakawalang kwentang iyakan, pero ito ako umiiyak nang dahil doon!

"Alam mo? Kung may problema ka, Lian makikinig kami. Pero kung something private man 'yan, sandal ka lang sa'min, kahit hindi mo na sabihin." Tumingin si, Mae kay Rose kaya tumango ang isa kong kaibigan. She smiled at me and gave me a thumbs up.

"Salamat," tanging nasabi ko sa kanila.

Nang gabing 'yon ay napag-isip-isipan ko ang mga nangyari nitong nakaraan. Napalapit na naman pala ako kay, Clark.

Bakit ko ba kasi hinayaan ang sariling mahulog na naman sa bitag? Nasasaktan na naman tuloy ako, bakit  ba naman kasi ganito? Gusto ko lang naman ay umahon at maka-move on pero bakit mas nilulunod at nilulubog pa ako?

Ang hirap naman mag-move on! Ang sakit sa puso, ang bigat bigat sa dibdib. Gusto kong sumigaw para pakawalan itong bigat na 'to pero 'di ko magawa!

Nasasaktan nga ba ako dahil hindi ko alam kung anong explaination niya? Ang explaination niya ba ang magpapalaya sa sakit na nararamdaman ko o ang mas magpapalubog sa'kin?

Will the truth really set me free? Valid ba ang rason niya?

Paano naman magiging valid ang cheating, Lian? At kung totoong hindi man siya nag-cheat, hindi pa rin reasonable ang pag-alis niya nang walang paalam!

Ganu'n ganu'n na lang 'yon? After how many years of friendship aalis siya ng walang pasabi?! Wala man lang say na, “Anya punta akong Canada gusto mo ng snow?”

Tapos babalik balik siya at may pasabi-sabi pang “I'll win you back Anya!” May ganuon?!

Ang mas mabuti pa, iwasan ko na lang siya. Kahit isang, Linggo lang iiwasan ko mun siya. Pakiramdaman ko muna ang sarili, iba muna ang iisipin ko, magpapahinga muna ako para mas makagawa ako ng mabuting desisyon.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon