CHAPTER 10

977 39 8
                                    

CHAPTER 10  |Promise|

After that confession ay hindi ko na alam ang relasyon namin ni Shun. One thing is for sure, we’re more than a best friend.

After that Shun got more caring to me, napapadalas ang gala namin lalo na noong christmas break.

I gave him a couple bracelet that christmas, one is for me of course. Siya naman ay binigyan ako ng sapatos, I really like what he gave me, it’s so cute.

Nang bumalik ang klase ay balik ulit kami sa usual routine namin. Hindi mo talaga mapapansin ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nang mag-enroll kami for high school, tapos ngayon January na,  patapos na naman ang klase.

“Single or taken?” Naghiyawan ang mga kaklase ko nang ako ang tinanong. Naglalaro kasi kami ng truth or dare, eh truth ang pinili ko!

It’s just a simple qustion and has a simple answer pero medyo nahihirapan akong sagotin.

Grabe talaga ang pang-iintriga ng mga ‘to sa tunay na relasyon namin ni Shun kaya ganito na lang sila ka-curious. Kapag kasi tinatanong ako ay iling lagi ang isinasagot ko.

Palihim kong tinanaw si Shun na nasa pinto ng room, kausap ang mga lalaking kaibigan. Some of our classmates follow my line of vision, nang makita nilang si Shun ang tinitingnan ko ay agad silang naghiyawan. Nakakahiya lalo na noong naagaw ng hiyawan nila ang attention ni Shun. Agad naman akong nag-iwas ng tingin, takot na makita ang reaction niya.

“Sige na Lish, sagot na!” my classmates pressured me. Simple lang naman ang tanong pero nahihirapan akong sumagot, dahil maski ako hindi ko alam ano’ng label namin.

“Ano ‘yan?” Mas lalo pa akong kinabahan nang marinig ang palapit na boses ni Shun.

“Single,” sagot ko agad nagbabakasakaling hindi ‘yon maririnig ni Shun dahil sa distance namin.

“Weeeee!”

“Shun, single raw si, Lish?” Napapikit ako nang mariin nang may kaklaseng nagsabi no’n.

I can’t look at my back, natatakot akong makita ang reaction ni Shun.

Saka totoo naman, ah? He just confessed last year, wala siyang sinabing kami na. Hindi ko siya tinanong dahil kontento na ‘ko sa relasyon naming dalawa, masaya na ‘kong malaman na despite of our mutual feelings for each other we stayed the same way.

“Hoy? Single dlraw si, Lish.” Inulit-ulit nila ‘yon na tila ba bungol si Shun na hindi enough ang isang beses para sabihin ‘yon.

“Talaga?” Halos mabungol ako sa lakas nang tibok ng puso ko nang magsalita siya. My body stiffen at his words, hindi ako makagalaw.

Ang mga kaklase namin ay natahimik, pero halata sa kanila ang pagpigil nang tawa dahil hinihintay nila ang sunod na sasabihin ni Shun.

“Ano’ng tawag mo sa ‘kin?” Hindi pa tapos ang sasabihin ni Shun ay nagsigawan at nagsitawanan na ang lahat. Ang iba ay napapalo pa sa katabi nila o ‘di kaya ay sa mesa nila.

“News report, opisyal na pong inamin nang sikat na journalist na si, Shun Clark Tuazon na ang kanyang jowa ay ang kanyang kaklaseng si, Lish Anya Gui.” Ang baliw kong mga kaklase ay nilukot pa talaga ang isang folder para gawing mikropono sa pagre-report, ang isa naman ay ginamit ang siko pang camera kuno, camera man ng reporter.

“Ayeihh!” Panay ang tukso nila sa ‘min. Sa bintana ay sinisilip na rin kami ng mga taga-ibang section dahil sa ingay namin.

“Selfie, mabuhay ang bagong couple!” Pati ang dustpan namin ay ginawang camera pang selfie, mga kabaliwan talaga!

Ako naman ay hindi alam ang e-re-react. Nahihiya ako pero tawang-tawa ako sa mga kabaliwan ng mga kaklase ko. Muntik pang matapilok si Shun nang itulak nila ito palapit sa ‘kin.

Hanggang sa nag-uwian na kami ay abot-abot pa rin na tukso ang inabot namin. Habang naglalakad sa daan ay tahimik lang ako at hindi makatingin kay Shun. Hindi ko alam paano siya kakausapin. Ang sinabi niya kanina ay ayaw mag-sink in sa ‘kin.

Nagulat ako nang ang kamay kong nakahawak sa straps ng backpack ko ay kinuha niya. My eyes widened when he slowly interwined our fingers together.

”I guess, this should boyfriends do right?” Umiwas siya ng tingin pagkatapos.

Ako naman ang ngumisi, he’s uncomfortable with me right now, nahihiya siya. Tiningnan ko ang magkahawak naming kamay, I can actually feel the heat from his hand.

“Kailan pa kita naging boyfriend?"”I asked him teasingly, I saw how schock his face is. Mas lalo akong napangisi.

“Huh? Ahm. .  .” Hindi niya alam ang sasabihin.

“Self proclaim, eh?” I continue teasing him.

Bumuntonghininga muna siya bago ako hinarap. “I already confessed to you, ikaw din umamin ka na. Automatic na ‘yon, Anya.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Gano’n-gano’n na lang ‘yon? Walang ligaw?” medyo iritado kong sinabi, ayoko namang sabihin niyang easy to get ako.

“Don’t worry, araw-araw kitang liligawan. I promise,” he assured me. He pulled my hand for us to continue walking.

Habang naglalakad ay tahimik ulit kaming dalawa, hawak niya ang kamay ko kaya naninibago ako.

At dahil tahimik ay napakaraming thoughts ang tumatakbo sa isip ko. Nang mapansin ni Shun ang malalim kong iniisip ay nagtanong siya.

“What are you thinking?” 

We’re in a relationship now, right? At ayon sa nalalaman ko, partners should be honest to each other so. . .

“I’m just thinking kung magtatagal ba tayo, what if we broke up? Are we still going to be friends?” Kumunot ang noo ni Shun sa tanong ko.

I know I’m over thinking, pero possibleng mangyari ‘yon lalo na’t sobrang bata pa namin.

“What we have is right now, nasa present tayo. Dito tayo mag-focus, don’t over think too much dahil nagsisimula pa lang tayo.” Tumango ako sa sinabi ni Shun. He has a point but I can’t stand without him in the future.

Bata pa lang kami ay kasama ko na siya, paano kung maghiwalay kami? Paano kung mawala ko siya forever? Kahit bilang kaibigan man lang, hindi ko nakikita ang buhay ko ng wala siya. Gano’n na ‘ko kasanay sa presensiya niya. 

Every dreams I have, kasama si Shun sa pangarap na ‘yon. Parang pamilya na rin ang turing ko sa kanya.

”Takot ako Shun, sa totoo lang takot ako na baka mawala kita. Mawala ka sa ‘kin” Sinabi ko sa kanya kung ano’ng pinangangambahan ko. 

He seriously look at me, ang isang kamay ko ay hinuli niya kaya ngayon ay mahigpit na ang hawak niya sa dalawa kong kamay.

“You will never lose me Anya, I promise.” Kahit hindi sigurado at nakakatakot, I will trust his promise unto me. “Kung mawawala man ako, I promise to go back. ‘Yan lang ang tandaan mo.”

“You promise?” It was almost a whisper. Agad naman siyang tumango.

“I pomise.”





Hindi ko kailanman kinalimutan ang pangakong iyon. Kaya naman ngayon ay patuloy pa rin akong nasasaktan, he promised me that. Pero binigo niya ako. ‘Yon ang mas masakit.

______________________________

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates! 

Follow me on Facebook: 
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page: 
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon