CHAPTER 16

855 35 0
                                    

CHAPTER 16  | Add |

Muntik nang mapunit ang test paper ko dahil sa marahas kong paghablot nito mula kay Ate Lindra. Her jaw is dropping, ang mga mata niya ay luluwa na sa panlalaki. Nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin nina Mommy at Daddy sa ‘min ni Ate.

“H-huh?” Napatingin ako sa hawak na papel, nakasulat nga roon ang pangalan ni Clark bilang cheker ng test paper ko. Oh, gosh! Nakalimotan kong burahin ang pangalan niya!

“Bumalik na si, Shun?” Hindi pa rin nawala ang gulat sa mukha ni Ate Lindra. Kinakabahan ko silang pinasadahan ng tingin, lahat sila ay naghihintay sa sasabihin ko.

“A-ano. . .” Yumuko ako at nag-isip ng sasabihin. Tanga-tanga kasi Lian, eh! Masyadong excited na ipakita ang test paper results. Ayan tuloy!

Hay naku, nagawa ko pang sisihin ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

“A-ano. . . ano naman ngayon kung bumalik na siya?” Nagpanggap akong hindi apektado at walang pake sa pagbabalik ni Clark.

“Wait, sa Louise Vellomina siya nag-aaral at classmates kayo?” tanong ni Mommy. Gulat at pagkalito ang nasa mukha niya. Tumango ako.

”Walang pake ha?” Mula sa pagkagulat ay nakangisi at nang-aasar na ang expression ng ate ko. Agad ko naman siyang inirapan.

“Lindra,” may pagbabantang tawag sa kanya ni Daddy.

”Kailan pa ‘to Lish? Bakit hindi namin alam? Bakit hindi mo sinabi?” Sunod-sunod at seryusong tanong ni Mommy sa ‘kin. Hot seat ako ngayon, ah!

“Hindi naman po importante ‘yon Mommy, saka ano naman kung bumalik na siya? Hindi naman natin siya sasalubongin ng banderitas at banda.” I tried to joke, pakiramdam ko kasi ay papunta na sa galit ang boses ni Mommy. Alam ko namang nag-aalala lang sila sa ‘kin pero keri ko pa naman.

“Lish, alam kong hindi ka pa ayos sa nakaraan—”

“My, ayoko po siyang pag-usapan.” I cut her off bago pa niya maituloy ang sasabihin niya. Ayokong pinag-uusapan si Clark sa bahay. Una, ayokong mag-alala sila sa ‘kin at pangalawa ayokong ipakita ang kahinaan ko sa kanila. “Akyat na po ako, magbibihis na ako,” paalam ko bago umalis.

“Sis! Chika mo ‘ko later!” pahabol pa ni Ate Lindra sa ‘kin nang paakyat na ako ng hagdan. Chika mo mukha mo!

“Chismosa ka!” Sigaw ko pabalik sa kanya. Agad naman siyang humagalpak nang tawa. Napailing na lang ako sa kanya. Ang hirap talaga magkaroon ng kapamilyang baliw. Gosh! Ma-e-s-stress ako sa mga pang-aasar ni Ate nito! Mas lalo lang siyang lalala.

Tinotoo nga ni Mommy ang sinabi niyang celebration, sa dami ng handa ngayon ay tila may pa-pyesta sa ‘min.

“Congrats! Inspired ‘yan?” Muntik na ‘kong mabulonan sa sinabi ni Manang.

“Salamat M-manang.”

“Kanino inspired Manang?” I looked at Ate Lindra with dagger eyes, ngumisi siya sa ‘kin at bahagyang itinaas ang kilay.

“Huh? Edi sa inyo? Dahil graduating na si, Lish sa SH.” Pagkatapos ilapag ni Manang ang huling dish ay nagpaalam na siya.

“Inspired nga,” tango-tangong ani Ate Lindra. Bahala siya d’yan! Siguro ay ‘di na lang ako mag-re-react sa mga pang-aasar niya para wala siyang masabi!

The dinner went well, topic namin ay ang plano ko para sa college. May gusto na akong course pero pinag-iisipan ko pa ang school dahil may gusto akong pasokan na paaralan.

Ang totoo ay gusto kong mag-aral abroad. . . sa Canada sana. Kaso nahihirapan akong sabihin sa kanila kasi baka isipin nilang susundan ko si, Clark. Wala akong planong gano’n sadyang nagkataon lang talagang nasa lugar na ‘yon ang gusto kong paaralan.

My Ex Is Back!  (Love Academy Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon