CHAPTER 21 |Titigil|
An: I forgot to mention the songs guys, so ito 'yon.
Nakita Kang Muli
-JonaNever Had A Dream Come True
-S club༼ つ ◕‿◕ ༽つ
Wala na ako sa ulirat habang pinapanood si, Mae na kumakanta sa stage, gusto kong ituon ang pansin sa kumakantang kaibigan pero 'di ko magawa.
Naninikip ang dibdib ko at gumugulo ang isip ko. Hindi mawaksi sa isipan ko si, Clark. Ang kinanta niya kanina, did he mean it for me? O baka assumera lang ako.
But he mouthed my name!
Sabi niya ex, nag-iisang ex niya?! Is he bluffing?! Wala naman akong kilalang ex niya buhod sa'kin at kay... Brianna.
Teka nga! Kaano ano niya ba talaga si, Brianna? I concluded that she's something special to Clark dahil sa narinig ko. Maybe lover or ex lover, but come to think of it. Clark didn't confirm what's his relationship with Brianna to me.
Ito ka na naman ba Lian? Aasa ka na naman ba?
Anong mangyayari kung pakinggan ko ang explaination ni, Clark? Anong mga sasabihin niya? Kasinungalingan na naman ba?
Paano kung mas lalo lang akong masaktan? Nakakatakot ng masaktan, nakakapagod ng masaktan.
Kung hindi ko pa narinig ang hiyaw ni, Rose ay hindi pa ako magigising sa malalim na iniisip. Tapos na palang kumanta si, Mae. Pumalakpak ako kahit bumaba na siya ng entablado, saglit siyang nakipag-usap sa kakilala niyang kaibigan ng kapatid niya bago dumeritso sa'min. Hindi pa rin bumalik ang huwisyo ko kahit na binabati na namin si, Mae.
I sighed heavily, gusto kong mapag-isa kaya pumunta ako rito sa garden. Nagpaalam ako kina Mae na pupuntang cafeteria pero ang totoo ay ang garden ang pakay ko.
Nagugulohan na naman ako, inisip kong ang fresh na hangin sa garden ang magpapapawi sa iniisip ko, pero nagkamali ako. Mas lalo lang akong nilulunod nito na isipin ang mga bagay tungkol sa'min ni, Clarck.
"Hay buhay, para kang life." Malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko. "Butiki!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si, Clark sa harapan ko dala ang isang bottled water.
Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko sa pagkakagulat. "Para ka namang multo kung sumulpot!" Singhal ko, pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko. Kanina lang ay iniisip ko siya ta's ngayon nandito siya sa harap ko? Sige nga sabihin niyo sinong 'di magugulat niyan?
"Saan?" Aniya sabay upo sa harap ko, pinatong niya rin ang dalang tubig sa gitna ng mess.
"Huh?" Kunot noong tanong ko.
"'Yung butiki," aniya sabay linga linga sa paligid. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay inirapan.
Inilapit niya ang bote ng tubig sa'kin kaya mas lalong sumama ang mukha ko, I gave him a questioning look of what he's doing. "Tubig," tipid niyang aniya.
"Alam kong tubig 'yan," pabalang kong sagot.
"Sayo 'yan," aniya walang pake sa pabalang kong sinabi.
"No thanks, may pera ako. And as far as I know hindi ako nagpabili ng tubig." Himala at ang bait ko sa kaniya ngayon? Oo, mabait na ako sa lagay na 'to.
"Walang nag-utos dahil bigay 'yan." Tinamad na akong magsalita kaya tumayo na lang ako nang makaalis na. Kaso nairita lang ako nang tumayo rin siya at sinundan ako.
"Ano ba? Mahahalata tayo sa ginagawa mo!" Singhal ko sa kaniya.
"Ano namang mahahalata nila?" Walang pakeng aniya.
BINABASA MO ANG
My Ex Is Back! (Love Academy Series 01)
Fiksi RemajaLish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes her because of her jolly personality. That's why her first heartbreak from her bestfriend broke eve...