Chapter 5

26 5 3
                                    

Nang makarating ako ng bahay diretso agad ako sa loob, nakita ko si Mama nag hahanda ng pagkain, meryendahan.

"Ma!" lumapit ako kay mama sabay mano

"Ang aga mo ata?"tanong ni mama

"Ah pinauwi po kami agad may meeting po mga teacher biglaan kaya... eh si Kian po ba?"

"Wala pa itext mo nga sabihin mo umuwi na" si mama

"Opo"sagot ko

Kukunin ko na sana ang aking cellphone para mag tipa ng mensahe para kay Kian ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa na nito ang kapatid ko.

"Punuan po tricycle e"si Kian sabay lapit kay mama at nag mano

"Oh sige na mag bihis muna kayo ng ate mo at mag meryenda tayo... wala pa naman ang papa niyo titirhan nalang natin siya" si mama saamin sabay ngiti

Tumaas na nga kami at pumunta saaming sariling kwarto para mag palit ng damit.

Nauna si Kian saakin lumabas at tumungo na sa kusina.

Sumunod naman ako

Nag luto si mama ng maruya na paborito namin ni Kian at nag handa din ng maiinom na juice.

Habang nasa lamesa kami at kumakain, biglang nag salita si mama.

"Kumusta kayong dalawa sa klase? Marie? Kian?"si mama sabay subo ng maruya

"Well mama I'm doing good naman po" Sabi ko sabay ngiti

"Ako din po ma"si Kian

"Mag kuwento kayo nako" si mama sabay tawa

"Ma si ate may crush hindi naman siya pinapansin" si Kian sabay inom ng juice

"Luh eh ano naman" Sabi ko kay Kian

"Anak ayos lang naman humanga natural lang yun"si mama sabay tingin saakin at ngumiti

"Oh diba ayos lang" ako kay Kian

"Hindi po mama e! grade 12 po crush niyan ni ate narinig ko po simula noong mag grade 7 daw siya gusto na niya yun!" si Kian na parang may pinag lalaban

"Ahmir po mama pangalan well pogi po pero mas pogi ako" si Kian na may pahabol pa

"Luh?ikaw?pogi" sabay tawa ko

"Ate mag ka mukha tayo remember so kung sinasabi mo na pangit ako ikaw din!" Si Kian na panalo nanaman

"Oh siya tama na yann! alam niyo anak maganda ka Marie at ikaw Kian gwapo ka anak ko kayo e mana kayo saamin ng papa niyo" si mama sabay ngiti saamin.

Ang saya ng ganito na kabonding namin si mama pero mas masaya sana kung nandito din si papa hindi bale na may next time pa naman.

"Basta Kian, Marie huwag kayong mag hahanap ng tao na puro paganda at papogi lamang ha! ang hanapin ninyo iyong tao na kahit hindi ka naiintidihan, hindi ka pa rin iiwan" si mama sabay hawak sa balikat naming mag kapatid

"Ow si Mama! parang si Papa po diba?" Si Kian

Tumango si Mama bago nag salita
"Oo tulad ng Papa niyo"

"Opo Ma, copy" ako kay mama

"Ikaw Kian ganoon din saiyo ha! pero bata pa kayo crush crush na muna sinabi ko lang iyon para alam niyo" si mama sabay lapit saamin at niyakap kaming mag kapatid.

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now