Hey hi pasensya na ho ngayon nalang ulit, medyo busy kase sa acads. Bawi ho ako, mag uupdate ulit ako pag natapos tapos ko na. Maraming salamat po sa pag babasa na appreciate ko po ng sobra-sobra.
>.<
Tinahak kong muli ang daan kung saan kami
kanina dumaan.Ayun na sana sayang yung opportunity, hindi bale na! edi next time diba?
Nang makarating ako sa may gate tiningnan ko kaagad ang inuupuan namin ni Andra na puno kanina pero wala na siya doon ngayon so ibig sabihin nasa room na siya, kaya dumiretso na rin ako papasok.
Buti na lang at wala pa si Sir, umupo kaagad ako sa tabi ni Andra
"Kumusta nasabi mo?"salubong ni Andra saakin
"Nahhh" simpleng sagot ko
"Ngi! ayun na ih bakit hindi mo pa sinabi?!"
"Dumating si Oyi eh pinapatawag daw si Ahmir"sagot ko
"Oh... okay lang yann may next time pa naman"si Andra
Ilang minuto ang nakalipas pumasok na si Sir, nag simula na siyang mag klase at kami naman ay tahimik at taimting na nakikinig sa kanyang mga sinasabi, naging maayos naman ang daloy ng aming klase.
Matapos niyang mag paliwanag ay may sinabi pa siyang iba hanggang sa tumunog na nga ang bell.
Nag paalam na rin siya saamin at saka umalis na rin, sumunod na pumasok ay ang aming teacher para sa mathematics, subject na kung saan sobrang hina ko at oo inaamin ko bopols talaga ako sa subject na to ang hina ko pumick up pero pag si Ahmir nag tuturo nakakasabay naman ako nadadalian ako pero kay Sir minsan ko lang magets, loading talaga ako.
Bumati siya at nag simula na ring mag paliwanag ng aming aralin para sa araw na ito.
Makalipas ang ilang minuto ay may pinagawa si Sir saamin, medyo naintidihan ko naman
kaso medj palang, slight kumbaga.Nasagot ko naman kahit papaano kaso yun
lang hindi ko sigurado, pero ok na yunn ang mahalaga may sagot diba! nang makapasa na ang iba naming kaklase ay nag pasiya si Sir na mag paalam at umalis na.Heto nga kami nakaupo nag hihintay ng sunod na teacher na papasok para sa last subject.
"Yunna!"si Andra
"Yep?"
"May laro sila mamaya nood ka?"tanong saakin ni Andra
"Hindi eh uuwi ako ng maaga may gagawin pa ako"sagot ko, kase may mga gagawin naman talaga akong activity
"Ah sige sabay kana saamin ni kuya ha?" Si Andra
"Ah sige, salamat nakatipid nanaman ako sa pamasahe" sabay tawa ko
May pumasok saaming pintuan akala namin si ma'am na, pero hindi! si Ahmir na may kasamang babae!
Pumunta sila sa unahan at nag salita
Hindi maalis ang mata ko sa babaeng kasama niya, dapat ako yunnn ihh!
"Good day... so pumunta kami dito para sabihin
na may meeting ulit ang mga teacher ngayon kaya di makakapasok so ang gagawin niyo nalang is mag linis para later uuwi nalang."Grabe naman preparation nila, sunod sunod na meetings...
Pag katapos noon umalis na din sila! ano yun?duhh yun na yunn? bat kailangan may babaeng pang kasama?
YOU ARE READING
Nothing Without You (ON REVISION)
RomanceIf you love someone, love them completely, cherish them, say it, but most importantly, show it.