Chapter 24

9 3 0
                                    

Matapos tumingin saakin ni mama at papa ay tumikhim ako para mawala ang awkwardness, at maya maya ay lumabas si Kian at nanatili sa may hagdanan na wari'y iniisip kung bakit andito si Ahmir! ang ultimate crush ko.

Tumikhim din si papa at nag salita...

"Hijo gusto ko yang ugali mo na nag papaalam ka na muna saamin, pero bata pa yang si Marie hmmm pero sige pumapayag naman ako na ligawan mo ang anak namin. Pero huwag na huwag niyo pababayaan ang pag aaral niyo lalo na't isang linggo nalang ay graduate na itong anak ko."

Si papa na pag kahaba haba ng speech....pero
omg pumapayag si papa at mama?

"Makakaasa po kayo Sir" si Ahmir sabay ngiti

"Ano nga ba muli ang pangalan mo hijo?" si mama kay Ahmir

"Ahmir Ian Sentoda Natividad po Ma'am" si Ahmir na binanggit ang buong pangalan

"Eh kaano ano mo si Astralinna hijo?" pag tatanong ni mama

Ngayon ko lang narinig yang Astralinna na pangalan na yan, sino kaya yun?

Ngumiti si Ahmir bago sinagot ang tanong ni mama

"Mommy ko po Ma'am" si Ahmir

"Anak ka ni Astralinna?" si mama na halos manlaki ang mga mata sa sinabi ni Ahmir

"Opo" Ahmir simply said

"Alam mo ba na matalik kong kaibigan yang si Astralinna noong kami ay highschool at college, kaso asan ba siya ngayon?" si mama

So mommy ni Ahmir yung Astralinna at matalik na kaibigan ni mama.

"She's working on abroad po... sa Dubai, ngayon ang kasama ko po is si Lola Sinang" si Ahmir

"Sana mag kita muli kami ng mommy mo"

"Oo naman po Ma'am, sasabihin ko din po kay mom pag tumawag siya na kinamusta mo siya" si Ahmir

"Salamat hijo, wala na kase ako balita sa mommy mo... di ko alam na anak ka pala niya, eh ang lola mo kumusta naman kayo?" si mama

"Ah ayos naman po kami ni Lola, bisita rin po kayo saamin minsan kahit kailan niyo po gusto, welcome po kayo roon." si Ahmir

"Osige sa susunod hayaan mo" si mama at saka ngumiti 

"At tsaka hijo huwag ng ma'am at sir, tita at tito nalang" sabay tingin ni mama kay papa

Parang ayos lang kay mama na manligaw si Ahmir saakin.

"Oh siya dito kana mag hapunan"si papa kay Ahmir

"Ah sir.. I mean tito, hindi na po siguro sa sunod nalang wala kase po kasama si Lola sa bahay kaya pass po muna ako ngayon" si Ahmir kay papa sabay tawa

Naintindihan naman ni papa si Ahmir kaya nag alok siya dito na ihahatid nalang daw niya si Ahmir

"Kung ganon ay ihahatid na kita, hapon na mahirap makasakay dito" si papa

"Sige po sir uhh sige po tito" si Ahmir, I can sense that he's kinda shyyy

Ano ka ba sa sunod hindi na tito, papa na kaya huwag kana mahiya.

"Ahmir, ibigay mo ito sa mommy mo pag tumawag ulit. Wala na kase kaming dalawa connection sa isa't isa kaya hindi ko alam kung kamusta na ba siya" si mama kay Ahmir sabay abot ng maliit na papel kung saan nakasulat ang kanyang numero

"Sige po tita" si Ahmir sabay paalam na

"Kian uwi na ako, sa sunod laro tayo basketball" si Ahmir kay Kian

Si Kian na parang nangangapa ng isasagot

"Si....ge p...o k...uya" si Kian

Nag paalam ako kay mama na sasama ako pag hatid kay Ahmir at pumayag naman si mama

Habang giniya ko siya palabas ay tinanong ko siya, yung kami lang
wala pa naman si papa dahil kinukuha pa 'yong nakaparada na tricycle sa garahe kaya may minuto pa para tanungin itong si Ahmir.

Nahihiya pa ako, kaso pag pakeme keme ako dito mauubos oras ko "time is gold" ika nga nila

"Ahmir" pag tawag ko sakanya

Nag wagi naman ako dahil nakuha ko ang atensyon niya.

"Yup?"

"Totoo ba yun?" pag tatanong kong muli dahil hindi talaga ako makapaniwala

"Yes I'm serious Yunna, gusto kita! I want to be true to myself now and yes nanalo ka dahil nakuha mo ko, nagustuhan din kita. Kaya ayos lang ba sayo na ligawan kita? o baka nabigla kita?" si Ahmir na nakatingin saaking mga mata na nag hihintay ng sagot ko

Namumula nanaman ako alam ko na to, nakakahiya shizzz.

"Puwede nga di kana manligaw ih sasagutin na agad kita.." ako sakanya sabi nga nila padaliin ang panliligaw at ang patagalin ay ang relasyon

Piningot niya ang tenga ko

"No gusto ko pag hirapan, makuha lang sagot mo" si Ahmir

Hindi ko alam na ganto siya, sa tagal ko ba naman kase siyang kinulit palagi siyang snob at masungit pero tingnan niyo naman oh maka pingot parang wala lang. 

"Sige dahil mapilit ka, pero uhh Ahmirrr....."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil andiyan na ang tricycle ni papa.

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now