Special Chapter

21 1 0
                                    

AHMIR IAN'S POV

Nasabi rin ni Yunna na pupunta nga daw ngayon sila Tita Amanda at Tito. Kaya nga noong bandang alas dose ay may kumatok sa pintuan namin, sila Tita at Tito na nga. Akala namin sila lang pero kasama pala pati sila Lola Sinang at Mommy and of course si Dad.

Nang makita sila ng mag ina ko ay sinalubong na nila agad ito ng may ngiti sa kanilang mga labi. Samantalang nag mano at yumakap naman ako sakanila.

"Apoo..." Si Lola Sinang naman ang unang lumapit kay Naya

"Lola..." Si Naya at niyakap ring pabalik si Lola

Sumunod naman sila Mommy at Tita Amanda

"How are you Isabel?" Pag tatanong ni Mommy kay Naya

"I'm good naman po, happy because Papa's here" sabay tingin saakin ni Naya

Napatingin saakin si Mommy at saka ngumiti

"Oh hijo, buti pinayagan kang bumaba sa barko?" Si Mommy

"Ah opo, may bagong sampa... kaya 'yon po pinayagan ako ni Capt. Samuel" I said

"Mabuti naman kung ganoon, para naman makapag pahinga rin ikaw, pangit rin yung babad sa trabaho" si Lola sabay ngiti

Tumango ako at saka ngumiti

Inimbitahan ni Yunna na tumuloy sila sa sala kaya tumuloy sila roon.

"Mag pre-prepare lang po ako ng meryenda.." si Yunna at saka tumuloy sa kusina

Habang abala sila sa pag tatanong ng kung ano ano kay Naya, sumunod ako kay Yunna.

Naabutan ko siyang nag titimpla ng juice, kaya nang makita niya akong sumunod ay sinalubong na ako agad.

"Hey bumalik kana doon, kaya ko na 'to" she said

I smirk before I speak "I just want to help"

"Basic lang naman to I can do this, samahan mo na sila doon goo.."

"Much better let's do this together para makabalik na tayo agad doon" I said

She smiled at me and sigh "ok then"

Kaya nag handa kami ng orange juice at egg sandwich, nang matapos namin itoay hinatid na namin sa sala

"Snack po muna tayo.." Si Yunna

"Hija, malapit na ang kasal niyo ni Ahmir, nasasabik na ako..." Si Lola Sinang

Ngumiti si Yunna at saka tumingin saakin, she's blushing

Damn

Nag kuwentuhan pa kaming lahat tungkol sa kasal, trabaho at kung ano-anong bagay. Kaya noong mag ala una na ay nag paalam na rin silang aalis na daw dahil may mga gagawin pa rin.

Kinausap muna ni Tita Amanda si Yunn, habang si Tito naman ay lumapit saakin

"Ikaw na ang bahala sa anak at apo ko" ang Papa ni Yunna

"Makakaasa po kayo Tito.."

"Ipangako mo saakin na huwag na huwag mo silang sasaktan, kung ayaw mo na ibalik mo saakin tatanggapin ko"

"Pangako ko po na hinding hindi ko po sila sasaktan"

"Aasahan ko yan" at saka ako tinapik sa balikat

Sumunod namang lumapit ay si Dad, inakbayan niya ako bago nag salita

"I'm proud of you son, please love your family, just love and respect them" huminto siya at bahagyang tumawa "huwag ng gumaya saakin na gago" he said

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now