Chapter 23

14 2 0
                                    

Matapos ang aming discussion ay sinabi ni ma'am Cruzette na mag kakaroon daw kami ng pag pupulong dahil gragraduate na kami ng junior high.

Pag katapos noon ay nag ayos na kami at lumabas na ng silid.

Tiningnan ko ang aking relo at ang oras na pala ay alas kuwatro ymedia. Kaya nag paalam na ako kay Andra at saka tinahak ang daan papuntang field kung saan manonood ako ng laro nila Ahmir.

Habang nag lakakad ako ay kung ano anong tumatakbo sa isip ko kung ano ba ang mang yayari, kinakabahan ako pero sobrang saya ng puso ko dahil baka heto na yung hinihintay ko na matagal ko nang gustong mangyari.

Sana nga ay ito na yun.

Tanaw ko na ang ibang mga players na nag uunat ng kanilang katawan, hinanap naman agad ng aking mata si Ahmir pero wala akong nakitang Ahmir.

Tumayo muna ako sa may puno at hindi pumunta sa upuan kung saan doon dapat ako uupo. 

Ilang minuto ang nakalipas ay nakita ko si Ahmir, yung tipong parang nag slowmo, yung nawala lahat ng players at wala akong ibang nakikita kundi si Ahmir lang na nag lakakad patungo saakin.

Agad akong nag balik sa aking suwisyo at tiningnan kong muli si Ahmir.

Nag simula ang laro at nakikita ko si Ahmir na tumitingin sa palagid yung parang hinahanap ako.

Go Ahmir bulong ko na alam kong hindi niya naman maririnig.

Tiningnan kong muli ang aking relo at mag aalas singko na nga, kaya dali dali kong kinuha ang aking cellphone para mag padala ng mensahe kala mama na gagabihin ako, ngunit mag titipa palang ako ay nagulat na lamang ako ng biglang may tao sa aking harapan, laking gulat ko nang tingnan ko itoo...

Si Ahmir na pawis na pawis na nakatingin saakin.

"Hey andito ka lang pala akala ko di ka makaka punta"  si Ahmir saakin sabay tawa

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, alam ko pulang pula nanaman ako dahil sa sobrang kilig.

"Hey!" si Ahmir muli saakin

"Ah sorry" ako sabay iwas ng tingin

"So hintayin mo ko dito ha mag papalit lang ako" si Ahmir sabay alis saaking harapan

Hindi ko na natuloy ang pag padala ng mensahe kay mama dahil ang atensyon ko nasa kay Ahmir na.

Hindi nag tagal ay niluwal ng pinto si Ahmir, fresh na fresh ang itsura, tiningnan kong muli ang field at ang andoon na lamang ay mga bagpacks nila.

Kahit si Oyi wala na, na dapat kasali din sa practice.

"So tara, hatid na kita sainyo" si Ahmir

"Diba may sasabihin ka?" pag tatanong ko

"Yeah but anong oras na baka hinahanap kana sainyo"

"Ah hindi ma text nalang ako kay mama para alam niya na gagabihin ako ng uwi" sabi ko ulit

"Tara na! doon ko nalang sasabihin wag matigas ulo" Ahmir said then he smirked

Grabe hindi pa rin ako makapaniwala na ang bait bait niya saakin ngayon! ano ba to?! naguguluhan ako gusto na ba niya ako?!

"Eh sila Oyi asan diba mag kasama dapat kayo?" pag tatanong kong muli

"May emergency that's why" Si Ahmir sabay lakad palabas

Syempre dahil ako nalang naiwan, sumunod na ako, hahatid daw ako e at sino ako para tumanggi?

Sumakay kami ng tricycle, ako sana ang mag babayad pero naunahan na niya ako, kaya pinag bigyan ko na 

Nang makarating kami sa bahay ay binuksan ko ang gate namin, hindi yung anong gate mga dzai ha, yung maliit lang siya.

"Pwede din ba ako pumasok?" Ahmir asked

"Oo naman"

Kaya ng mabuksan ko na ang gate ay hinatak ko na siya papasok

Nang buksan ko ang pinto ay nag mano agad ako kay mama at papa, si Kian ay nasa taas marahil.

Kita ko agad sa mga mukha nila mama at papa ang pag kagulat dahil may kasama akong lalaki at anong oras na.

Ngunit bago pa ako mag paliwanag ay nag mano rin si Ahmir sabay salita.

"Good afternoon po, pasensya na po if hinapon po ng uwi si yunna sinabihan ko po siya na panoorin ako kaya... pasensya po" si Ahmir sabay yuko

"Umupo muna tayo hijo" si mama na parang natatawa ngunit pinipigilan lang

Pero nang tingnan ko si papa ay nakakunot pa din ang kanyang mga noo

"Anong ginagawa mo dito?bakit kasama ka ng anak ko?" si papa na nag tatanong kay Ahmir

"Ah sir, ma'am kaya po ako andito ay hinatid ko po si Yunna at para narin po sana mag paalam sainyo" si Ahmir sa mahinahong boses

Huh? mag paalam? bakit? gagala kami? nay date? omg anong paalam?

"Anong paalam hijo?" si mama

"Sir, ma'am mag papaalam po sana ako sainyo kung puwede ko po sana ligawan ang anak niyo?" si Ahmir sabay tingin saakin

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Tama ba pag kakarinig ko, ligaw panaginip ba ito? gawa gawa lang ba to ng illuminati? oh myyy

Nag tinginan si mama at papa, tumingin saakin si mama na natatawa na kung ano, samantala si papa naman ay seryosong tumingin saakin.

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now