Grabe ang saya ng puso ko, buti nalang wala masyadong dumadaan dito kundi pinag tatawanan na nila ako dahil kanina pa ako talon ng talon. Hindi ko kase akalain na makakausap ko si Ahmir ng ganon at ang lapit lapit pa.
Nang maalala ko na mag sisimula na ang aming klase ay dali dali na akong nag lakad papasok sa classroom namin.
Nang makarating na ako ay wala pa si ma'am, buti nalang talaga.
Dali dali akong pumunta sa upuan ko at hetong si Andra pangiti ngiti na saakin nag hihintay ng chika ko dahil halata naman saakin dahil sa mukha palang mukhang kamatis na pulang pula, kahit hindi ko na kaharap si Ahmir.
"Oy ikaw ha may hindi ka ba sinasabi saakin? hmmm"
Tumawa ako
"Sabi ni Ahmir manood daw ako sakanya mamaya may sasabihin daw siya" sabay pigil ko ng tawa
Tumili si Andra bigla
Agad ko namang sinaway
"Gagi ang ingay mo"
"Masaya lang siyempre, parang yung sa mga panaginip mo unti unti ng nagiging totoo"
"Wala pa nga e, pero samahan mo ko ha?"
"Hindi... alone time niyo yun, tsaka may lakad kami ni kuya mag luluto kase kami you know mga ganon" si Andra na mukhang ayaw talaga ako samahan
"Ang duya a" ako sabay beautiful eyes
"Siraa di mo ko madadala diyan sa beautiful eyes mo! tsaka ano ka ba... kayang kaya mo yan push lang! support kita palagi pero di muna ako sasama ngayon dahil sasama ako kay kuya pero balitaan mo ko a!" si Andra na mukhang hindi ko mapipilit
"Sige next time samahan mo ko a, ingat kayo ni kuya Godwin, tsaka tawag ako mamaya"
"Hmm alright mukhang mag kakalove life na a!" pang aasar ni Andra saakin
"Tsss tigilan mo ko wag muna tayo mag expect"
"Utot wag mag expect pero kung ano anong scenario na ang tumatakbo diyan sa isip mo" si Andra sabay hagalpak
"Hindi sira ka talaga"
Pag katapos noon ay may pumasok na si ma'am sa aming silid.
Binati niya kami at ganon din kami sakanya.
Matapos ay nag simula na siyang mag salita at nag paliwanag na ng aming topic para sa araw na ito.
Tahimik kami at mataimtim na nakikinig sa sinasabi ng aming guro.
YOU ARE READING
Nothing Without You (ON REVISION)
RomanceIf you love someone, love them completely, cherish them, say it, but most importantly, show it.