Maganda ang gising ko dahil ang ganda din naman ng nangyari kagabi.
Malapit na ang graduation nila Ahmir at kami nama'y malapit na din, hindi ko pa siya natatanong kung saan ba siya mag ccollege siguro ngayon puwede na ako mag tanong tanong sakanya ng mga bagay bagay na gusto ko malaman, kahit paunti unti palang.
Akala ko ako yung unang nagising pero hindi pala, kase nakahanda na sila mama ng agahan namin.
Pag kababa ko ay binati ko sila at ganon din sila saakin.
Maayos naman ang takbo ng aming umagahan at pag katapos ay tumulong na kami sa pag ligpit at nag paalam na papasok na, gaya ng dati hinatid kami muli ni papa.
Nang makarating kami sa school ay narinig ko na agad ang matin is na boses ni Andra which is nag hihintay ng chika ko. I know her really well.
"Sissy!" sigaw ni Andra
Nag paalam na din si papa saamin matapos kaming maihatid dahil papasok pa siya sa trabaho.
Si Kian naman ay nag paalam na uuna na rin daw siya.
"Andra!" sabi ko naman
"Oy ikaw ha yung crush mo ayun na.. dream come true na! sagutin mo na agad huwag na mag patumpik tumpik pa!" si Andra na kada bigkas ng salita ay may diin
"Alam mo ba hindi ko to akalain as in! buti nalang nag stick ako sa sinabi kong hindi ako susuko sakanya, alam mo sobrang saya ko Andra" ako na may namumuong luha sa mata dahil sa sobrang saya
"Heto na yun huwag na patagalin" si Andra sabay tawa
Tingnan mo tong isang to parang dati lang sabi niya mag give up na ko kay Ahmir pero tingnan mo naman ngayon.
"Ang pag kagusto ko sakanya ay parang coffee mate mananatili yun at hinding hindi mag babago..." ako kay Andra
Nang tingnan ko si Andra ay nakatingin siya sa likod ko, kaya pumalakpak ako sa may mukha niya para bumalik sa sariling wisyo ang kaibigan ko, ngunit wala pa rin.
Kaya tumingin na ako sa likod at halos manlaki ang mata ko ng makita na andoon si Ahmir. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya sa likod ko dahil sa kakailusyon ko ng kung ano ano.Nalaglag ang panga ko dahil panigurado narinig niya ang mga sinabi ko! what the heck nakakahiya...
"It is true huh?" si Ahmir sabay ngisi
"Oh siya girl may bibilin pa pala ako sa canteen una na ako.. hoy Ahmir ikaw na bahala sa bestfriend ko a" si Andra saakin tsaka umalis
Bat mo ako iniwan Andra?
"Hey are you okay?" si Ahmir saakin dahil hindi ko man lang naresponde ang tanong niya kanina
"Ha? oo naman" ako sabay iwas ng tingin
Andito pa rin kami sa may gate nakikita ko na pinag titinginan kami ng mga dumadaan na babae at ang sasama ng tingin nila saakin dahil kasama ko si Ahmir.
Sorry kayo mga beshyyy nanliligaw na siya saakin e.
"Sama ka saakin later usap lang ganon, gala?" si Ahmir
oh myyy
"Sige, pero pasok muna tayo mag ttime na!" ako sakanya
Tumawa siya, his laugh is contagious kaya tumawa rin ako.
Sumang ayon naman siya sa sinabi ko at pumasok na nga kami, giniya niya ako patungo sa aming silid kaya noong makarating kami sa room ay pinag tinginan nila kami tila ba artista na manghang mangha.
Guys kami lang to!
Matapos niya akong maihatid sa classroom ay umalis na din siya.
Tiningnan ako ng mga kaklase ko, lalo na ng mga babae pero wala man lang lumabas na tinig sa kanilang mga bibig.
Samantala si Andra ay pangisi ngisi lang at pailing iling sa gilid.
YOU ARE READING
Nothing Without You (ON REVISION)
RomanceIf you love someone, love them completely, cherish them, say it, but most importantly, show it.