Chapter 14

16 4 2
                                    

Mukha na akong shunga kase pagang imagine ko yung mang yayari kapag sinabi ko sakanya. Kase isipin mo ha pinapansin na niya ako after how many years at inaccept na niya rin yung friend request ko, hindi ko lang ma point out pero gagi kinikilig ako.

Nakatulog na lamang ako sa kakaisip ng mga ganoon.

Kinaumagahan may ngiti na nakaguhit saaking  labi, pag ka-baba ko ng hagdanan binati ko kaagad si mama na nag luluto, wala lang ang saya lang.

"Goodmorning mama" maligayang sabi ko kay mama

"Goodmorning din, ayos ka lang ba?"si mama saakin

"Siyempre naman po" sabi ko kay mama sabay kindat

"Ngirit na ngirit anak a" si Mama sabay ngiti

"Goodmorning po!" Si Kian

"Yohoo nauna ako sayo" ako kay Kian

"Atleast pogi ako" si Kian tapos nag make face

"Connect noong nauna ako magising sa pogi ka?"

"Kase ano..."

"Oh siya Kian gisingin mo ang papa niyo ng maka kain na tayo" si mama kay Kian

Makalipas ang ilang minuto bumaba na si papa at nag handa na kami ng mga plato at nag simula nang kumain ng aming umagahan.

Habang kami'y kumakain nag salita si mama

"Ah Marie, Kian hindi pala namin nasabi kagabi ng Papa niyo... kase biglaan lang,
uuwi daw dito ang kapatid ng Papa niyo si Tita Claire niyo kasama si Ella dito daw muna ang pinsan niyong si Ella" si Mama saamin

"Kailan po dito dadating?" pag tatanong ni Kian

"Baka sa isang araw andito na sila" si papa

"Ah ganoon po ba edi lilipat po saamin si Ella?" pag tatanong ko

"Oo anak baka nga maging mag kaklase kayo niyan kase pareha lang naman kayo"si mama

"Eh ma, matatapos na din po ilang weeks nalang baka mag ano na din ako! senior na po after, bat po hindi muna niya tapusin yung pag aaral niya doon tapos dito nalang siya mag senior"

"Wala na sila doon matutuluyan anak" si Papa

Nag katinginan kaming dalawa ng kapatid ko

"Ano po bang nang yari?" Ako kay mama

"Hindi naman yun bahay ng tita mo anak kay Tito Pit niyo yun, eh ang kaso nabaon sa utang si Tito Pit niyo dahil sa casino nag kalabuan yung dalawa pati si Ella nadadamay na. Pati na rin daw yung kotse nakasangla nalaman lang rin daw nila noong may pumunta doon sa bahay nila at yun nga yung pinag kakautangan ng Tito niyo, naniningil na" si Papa saamin

Nagulat ako sa sinabi ni Papa halos hindi din naman kase nag paparamdam sila Tita, tapos ngayon mababalitaan namin ganito na pala ang nang yayari.

"Si Ella lang muna ang dito, siguro mananatili si Claire dito ng mga ilang araw lang tapos babalik din doon para ayusin yung mga pinag kakautangan ng Tito niyo, tapos si Ella dito na muna" si Mama saamin

Iniisip ko yung pinsan ko alam ko hindi siya okay ngayon.

"Ah sige po doon nalang kami sa kwarto ko share nalang"

"Magandang ideya yann anak"si Papa tapos ngumiti

"Miss ko na din po si ate Ella may kalaro na uli ako mag COD si ate kase di marunong" si Kian sabay tingin saakin

"Gagi anong malay ko diyan sa COD na yann!
"Tsaka puwede ba Kian huwag muna COD atindihin natin ok.. may problema sila tapos yann nasa isip mo!"

"Chill ate sorry!"

"Tama ang Ate mo Kian huwag muna laro ang atupagin may problema ngayonn saka nalang yun, matagal naman dito ang ate Ella mo" si Mama

"Opo sorry po" si Kian

"Oh siya hahatid ko na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase" si Papa

Sumang ayon na din kami kay Papa kase baka nga mahuli kami, kaya nag paalam na kami ni Kian kay Mama dahil ihahatid na kami ni Papa papasok ng school.

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now