Chapter 25

10 2 0
                                    

Hinatid nga namin si Ahmir, ilang minuto lang ay nakarating din kami doon sakanila.

Nag paalam si Ahmir at nag pasalamat kay papa at saka saakin, pag katapos ay umalis na din kami.

"Marie!" si papa habang nag mamaneho ng aming tricycle

"Po?" sagot ko kay pa na kinakabahan

"Ang pag aaral ha! matanda kana alam mo na dapat ang tama at mali at ang limitasyon anak!" si papa na may diin ang pag bigkas sa mga salitang binibitawan

"Opo pa, salamat po"

Matapos ang usapan namin ni papa ay nakarating na kami sa bahay, pinarada na ni papa ang tricycle at pumasok na kami sa loob.

Nag handa na si Mama at Kian ng aming hapunan. 

Hindi pa ako nag papalit ng uniform, mamaya nalang gutom na ako e.

Kumukuha ako ng pamunas ng tumunog ang cellphone ko

Nag text pala si Andra

"Hoy sissy! ano yung sinabi sayo ni Ahmir care to share naman oh"

Mamaya na kita rereplyan sissy, gutom na talaga akoo

Nag simula na nga kaming kumain.

Sobrang saya ko hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, akala ko hindi papayag sila mama at papa pero laking gulat ko dahil pumayag sila.

Matapos naming kumain ay nag ligpit na ako, hindi na mana ako inusisa ni mama dahil sa tingin ko alam na niya ang gagawin ko.

"Hoy ate! ebargg yung crush mo te nanliligaw na sayo!" si Kian na katulad ko sobrang saya din akala mo siya yung liligawan ni Ahmir

"Gagi ang saya ko hindi ko maexplain, noong una puro panaginip lang nang yayari ang lahat, pero ngayon tingnan mo...dream come true!" ako kay Kian

"Pero ate hugas ka muna ng pinggan mamaya nalang may laro pa kami bye bye!" si Kian na nag mamadali tumaas siguro'y may laro nanaman sila, adik sa cod ang batang yun

Maya maya'y natapos na din ako sa pag huhugas, pataas na sana ako ng tawagin ako ni mama at papa

"Marie anak alam na a! alam mo na ang tama at mali!" si mama

"Opo mama, papa! salamat po ulit taas na muna po ako may gagawin pa po ako ih" ako kala mama at papa

Tumango lamang sila at ngumiti

Pataas na ako ng may biglang sumakit ang puso ko, hindi ko alam kanina ang saya saya tapos ngayon ganito, kaya napahinto ako sa may hagdan buti nalang nakatalikod sila mama at papa kaya hindi ako nakita.

Napapansin ko napapadalas sumakit ang dibdib ko na parang minsan nahihirapan akong huminga, pero nawawala din naman kaya tumuloy na ako sa kwarto, siguro ay gawa lamang ng pagod dahil sa dami naming tinatapos sa school.

Tumawag ako kay Andra at kwinento ko sakanya ang nang yari kanina, sigaw ng sigaw sa kabilang linya tong kaibigan ko mas kinikilig pa kaysa saakin.

Matapos ang usapan namin ay nag open ako ng facebook ko at nakita ko agad ang message ni Ahmir saakin

Nag sigalawan nanaman ang mga uod sa tiyan ko dahil sa simpleng chat ni Ahmir.

Sabi sa message niya ay bigay ko daw sakanya ang number ko para madali niya ako macontact.

Kaya ang ginawa ko ay ibinigay ko sakanya yung number ko, then after that hiningi ko din yung kanya.

09*********
saved to phonebook

Ahmirko

Ano ba yan ang corny ko, pero ok na din yann baka nga mas comorny pa ako pag kami na.

Pagkatapos ay natulog na din ako ng may ngiti saaking labi.

Nothing Without You (ON REVISION)Where stories live. Discover now