Ulan

17 2 0
                                    

Malakas ang pagpatak ng ulan sa madilim na eskinita.

Ang tubig ay rumaragasa sa gilid ng makipot na daanan.

Habang ang dalawa ay nagsisiksikan sa maliit na silong upang hindi mabasa.

"Hintayin lang natin tumila."
"Tapos uuwi na?"

Walang sumagot.

Ang totoo,
Ayaw pa nila itong huminto.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon