Sinag

17 1 0
                                    

Papalapit nanaman ang gabi.
Ang pagsanib ng buwan sa araw ay muli nang masasaksihan sa isang sandali.
Tunog ng kuliglig, nanamamayani.
Ang dilim, tumitindi.
Hudyat upang pilitin matulog ang sarili.

Mata'y ipikit, bulusok ng malalim na pag-iisip— patayin ang sindi.

Hanggang sa magising, bagong umaga ang sasalubong ngunit ang basang unan pa rin ang katabi.

At ang sinag lamang mula sa araw na lumalarawan sa'yo ang tutuyo sa aking pisngi.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon