Upos Na Kandila

28 1 0
                                    

Ang paligid ay lumalabo.
Pakiramdam ko lahat ng bagay ay naglaho.
Waring mata'y nabulag dahil walang makita na buo.

Ngunit sa dilim ika'y nagsilbing liwanag.

Panandalian lamang pala iyon.

Dahil ang dalang init, ngayon ay lumalamig.
Sa tagal, kusang natutunaw, tila nagiging matubig.

Nauupos na ang kandila,
Unti-unti nang namamatay ang apoy at silakbo na dating nagliliyab.

At kapag naulit muli ang pagkakataon,
Alam kong sa dilim ika'y tuluyan nang mauubos, liwanag ay matatakpan na lamang ng usok.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon