Buwan

23 1 0
                                    

Noon, wala naman itong
dating para sa akin.
Isa lang siyang likas na
tanawin sa gabing mahangin.

"Bakit lagi kang nakatingin diyan?"

Hindi ko rin alam ang tamang sagot ngunit mayroong hiwagang humihila sa akin para sa taas ay mapalingon.

Ang buwan.

Hindi ko naman paboritong tignan ang bagay na 'to dati.
Ngunit iba pala ang pakiramdam titigan ito nang kasama ka parati.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon