Agwat

16 1 0
                                    

Ang agwat nating dalawa ay maihahalintulad sa espasyo ng bawat sulok ng apat na kanto.

Kinakailangang manatili sa pwesto,
kung hindi, ang perpektong hugis nito ay mababago.

Hindi sigurado ngunit bakas ang kagustuhang tawirin ang bawat espasyo.
Nang sa gano'n,
Ang agwat sa pagitan natin ay tuluyan nang matago.

Pero naaalala ko,
Nais mo nga palang panatilihin
kung saan tayo nakapwesto.

Ayaw manibago.
Takot sa pagbabago.
Walang magagawa kundi tumango.

Dahil alam ko,
Ang paglapit ay magiging sanhi ng tuluyan mong paglayo.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon