Uyayi

77 7 0
                                    

Humupa na ang araw sa langit, napalitan na ng nagkikislapang mga bituin habang binabaybay ko ang daan pauwi sa amin.

Sa gabing gaya nitong ma'y hiwaga't kulimlim, ang tinig mo ang humihila pabalik sa isip kong lumulubog pailalim.

Pagkat ang boses mo ay tila uyayi na nagpapakalma sa dagsa ng umuukilkil sa aking harayang ka'y lalim.

Humupa na ang araw sa langit ngunit ikaw pa rin ang paboritong tagubilin at tagapaghatid sa makitid na daan pauwi sa amin.

Bago ang mga paa ko'y tuluyang mapatid sa mga bagabag na noon pang nakatanim.
Bago ang mga paa ko'y tuluyang tumama o lumiko sa mga batong may tulis at talim.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon