Pahina

17 1 0
                                    

Matagal nang naitala ang istorya nating dalawa.
Natuldukan man agad,
Paulit-ulit pa rin ang aking pagbasa;
Binabalikan ang mga pahina kung saan tayo nagsimula.

Ngunit sa kabila ng muli kong pagbasa,
Natanto kong may pahinang kulang.
Pahinang nawawala—
Pinunit at tinanggal sa buong istorya.

Marahil isang pahinang pilit binura sa pag-aakalang malilimutan.
Sa pag-aakalang mapapalitan.

Aking napansin dahil iyon ang aking paborito.
Sa haba ng ating istorya,
Iyon ang nagkuwento ng may litrato.
Kung saan malinaw sa aking imahinasyon ang "ikaw at ako."

Ngunit naalala ko na sa
larangan ng pagsusulat,
Maaaring gawa-gawa lamang ang isang libro.

At wari ko,
Nabuhay nga ang ating istorya sa ganoong konsepto.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon