Hiwaga

15 1 0
                                    

Isang hiwaga.

Noong una'y hindi ko mawari.
Walang may alam, aninong pakiramdam.
Ngunit patuloy pa ring sumugal.

Ika'y hiwaga.

Namumukod tangi.
Tila isang agham, misteryong kailangang matuklasan.
Salitang binibigkas ng iyong labi,
Wari'y isang bugtong at palaisipan.

Haplos na bagamat mababaw ang pagdampi,
Isang pakiramdam na nais kasanayan.
Bawat sakit sa akin ay napawi,
Tila may taglay na kapangyarihan.

Hiwaga.

Nais kong lusungin at libutin ang lalim na iyong dala.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon