Mula Sa Tinta

34 1 0
                                    

Sa madilim na sulok ng aking kwarto, mag-isa akong inaanod ng mga salita.

Pikit ang mata, sarado ang tainga.
Hindi alam kung paano muling magsisimula.

Tagos ang mga binatong banta. Bakas sa galaw ang pagdududa.
Mga mabulaklak na pananalita, animo'y nalanta.

Sa papel, aking isinulat ang umpisa.
Sa tula, aking dinaan ang mga dalita.
Mula sa tinta, akin nang tutuldukan ang pangungusap at pag-uusap na kumukonekta sa ating dalawa.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon