Gitling

18 1 0
                                    

Tayo ang mga salitang ating isinulat sa sikreto ng mga liham na ating pinagpalitan.

Gaya ng maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng dalawang pantig na pinaghahati,
O sa dalawang salitang pinagkakabit.

Tayo'y pilit pinaghihiwalay ngunit mananatiling magkaugnay.
Kapag magkasama, tayo'y mas maiintindihan.
'Pag mag-isa, tila may kamalian.

Muli mong alalahanin ang nagdaang taon.
Basahin ang mga sulat na ating pinagpalitan.
At balikan kung paano natin naisalba ang pagmamahalang muntik nang bitawan ng alitan.

Dahil sa sulat,
Malayo ang ating narating.
Sa sulat,
Ngayon daliri ko'y may singsing.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon