Alon

19 1 0
                                    

Segundo lamang ang kinain
sa oras nang ako'y mahulog.
Isang sulyap lang,
tila ang dila ko'y umurong.

Hindi mahanap ang mga salita,
hindi makapag-isip ng itatanong.
Tunay na nabighani,
dibdib animo'y gumugulong.

Ang pino mong kilos ay humahalintulad sa dagat na umaagos.
Kapag ika'y hinawakan,
sa akin ay tila tumatagos.
Kapag ika'y malapit ako'y nalulunod, paghinga'y kinakapos.

Matapos sa pagkusot ng mata'y nagmistulang isang alon.
Sa pagdilat ng mata, ikaw agad ang sumasalubong.

Gaya sa pamamalagi at pagtatampisaw sa lamig na dala tubig,
Ikaw ay aking naging hilig.

At ako ay iyong napaibig.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon