Paboritong Kulay

20 1 0
                                    

Sa likod ng matayog at malilim na puno na madalas nating puntahan,
Ang mabining hangin ay tila tahimik na naglalabanan.

Ang pagtama sa'tin ng araw ay natatakpan ng mga dahong sinlaki ng piraso ng papel na ating tinutupi upang gawing eroplano o barkong nag-uunahan.

Kapag tinamaan ng pagod,
Likod ay ihihiga sa latag ng berdeng damo na may dalang ginhawa at kapayapaan.

Sabay nating tititigan ang asul na langit at pumasok pa nga sa isipan mo ang pagtatanong sa'kin ng biglaan.

"Ano ang paborito mong kulay?"

Sa ibang pagkakataon marahil ibang kulay ang isinagot ko ngunit habang ang mga mata natin ay nakatitig sa iisang banda, asul lamang ang tanging pumasok sa aking isipan.

Hindi ko ginaya ang sagot mo.

Naging paborito ko iyon dahil paborito ko ang alaala nating 'yon.

Ngunit sa pagdating ng panahon,
Nabahiran na ng lungkot ang kasalukuyan.

'Pagkat ang kulay na 'yon ay tanging nagpaalala na lamang sa malalim nating nakaraan.

May tanong ako.

Paborito mo pa rin ba ang kulay na 'yon?

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon