Kahidlaw

38 2 1
                                    

Sa buong araw na tayo'y magkasama,
wala ni isang segundo ang nasasayang.

Bawat detalye, 'di limot ng alaala
kaya wala sa'ting bokabularyo ang salitang panghihinayang.

Dumating ang araw na tayo'y hindi nagkasama.
Bakas sa mukha ang lumbay, litrato'y walang pakinabang.
Oras ay lalong tumatagal, segundo'y tinatanya.

Mahal, kailan muli ang ating pagkikita?

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon