Huling Sayaw

25 1 0
                                    

Sa ilalim ng nagkikislapang bituin sa mabining ulap ng gabi,
Muling nagtagpo ang lambot at init ng ating mga labi.

Tayo ay nakatayo,
Malayo sa ingay,
Malapit sa isa't isa,
Dama ang dalang payapa habang mga paa natin sa buhangin ay nakatapak.

Ang alon mula sa dagat ay mahinang rumaragasa,
Tunog ay tila musika sa aking tainga.
Ang hangin ay kalmadong humihipan,
Binabalik ang alaala no'ng ika'y nangako sa labas ng simbahan.

Hawakan mo muli ang aking kamay.
Muli mo akong isayaw bago kita ibigay.

Sa saliw ng musikang aking tinatak sa isipan,
Isayaw mo ako hanggang sa matapos ang kanta, hanggang sa ako ay tumahan.
Hanggang sa maitago ko ang kalungkutan.

Ilang sandali pa sana ang aking hiling.
Isang gabi?
Oras?
O minuto?
Nais pa sana kitang makapiling.

Dahil sa aking isipan,
Patapos na ang kanta ngunit pilit ko pa rin itong binabagalan.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon