Kayumanggi

23 1 0
                                    

Minsan sa isip ko'y sumanggi,
Ang kulay ng iyong matang kayumanggi.

Mapungay, tila may paghila't paghamon na nagpapahinto ng bawat sandali.

Sarili'y pinipigilan na mahulog ng ilang ulit sa tuwing tingin mo'y sumasagi.

Normal lang naman ang kulay
ngunit kung ikukumpara,
Iba ito sa karamihan at animo'y nagbibigay rin ng liwanag tulad
ng isang lampara.

Tuwing ika'y lumalapit,
Mata ko'y awtomatikong lumilihis— hindi sa galit.
Kundi sa dahilang 'di kayang pantayan ang gandang umuukit.

Intensidad na may dalang init.
Kaakit-akit.
Kailangan pa lalong higpitan
ang kapit.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon