Ang Gunita

12 1 0
                                    

Tandang tanda ko pa ang unang salitang binanggit mo no'ng una tayong mag-usap.
Ang pares at kulay ng damit mo no'ng nakasalubong kita habang ako'y lumalakad pauwi't may hinahanap.

"Nakita mo?" Iyon ang sabi mo.

Hindi ako nakasagot.
Hindi nakagalaw.
Tila naestatwa, tingin ay namalagi lang sa iyong mga mata.

Umiling ako at ang ngiti sa labi mo'y mabilis na nakita.
Dali-dali kang tumulong sa paghalughog ng damuhan hanggang sa ang araw ay lumubog na nang tuluyan.

Mapait akong napangiti dahil hanggang ngayon,
Hindi ko na nakita 'yon.
Hindi na rin nag abala pa dahil sa kabila ng pagkawala, ikaw naman ay nahanap.

Mapait akong napangiti dahil hanggang ngayon,
'Di pa rin limot ang una nating pagkakakilala.

Nahanap kita.
Nakilala kita.

Ngunit lahat ng 'yon ay naging isa na lamang malayong memorya.

At simula no'n, pakiramdam ko malaki na ang nagkulang.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon