Kahangturan

14 1 0
                                    

Simula at dulo.
Umpisa at pagtatapos.
Kahapon at bukas.
Noon at ngayon.

Ito ang naiisip ko kapag ang pangalan mo'y naririnig ko.
Pagtakbo ng mga araw ay nais pahintuin.
Kamay ng orasan ay hinihiling na pabalikin.

Ngunit sa pagitan ng mga ito,
do'n ka bumitiw kung saan pilit kong inaabot ang kapit mong walang higpit.

Hindi pa rin.
Hindi pa rin magsasawang sabihin,
kahit sa panahong ika'y hindi nakikinig na ikaw lang ang aking iibigin.

Mula simula hanggang dulo.
Umpisa hanggang pagtatapos.
Kahapon hanggang bukas.
Noon hanggang ngayon.

Hanggang sa ako muli ang iyong piliin.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon