Kinaiya

19 1 0
                                    

Madalas na pag-usapan ang anyo mong panlabas.

Marami ang nabibighani.
Marami ang humahanga.
Marami ang naghahangad.

Isa ako sa iilang tao na 'yon ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ikaw ay aking natipuhan.

Aamin ako ngunit mahihiya ako kung iyon lamang ang dahilan ng pagkahulog ko gayong ang mga taong may mabababaw na pananaw lamang ang iibig sa itsura ng isang tao.

Sa loob, aking tinignan.
Sa labas, aking pinagmasdan.

Tila parehong may kagandahan.
Dalisay at may kagitingan.

Higit at Lagi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon