Chapter 04

156 12 1
                                    

Chapter 04:



Twila and I continued seeing each other, studying together while having coffee.

I can't stop myself from seeing her, though. It's like, my whole day is not complete without seeing her tie her hair. Damn, her nape looks so beautiful in my eyes.

"Y-You should really stop tying your hair in front of me," I said, looking away from her.

"Tss. Bakit naman? Pangit ba?" tanong niya matapos itali ang buhok.

Nagbuntonghininga ako bago sumandal sa upuan. "I told you, you're too sexy while doing that."

She laughed. "Ayaw mo ba?" tanong niya bago nangalumbaba sa harap ko.

Napabuntonghininga ulit ako. "Twila, I'm a guy, okay? Hindi mo pa nga ako pinapayagang ligawan, gusto na kitang bakuran."

She smiled before looking down on her book, putting highlights on the important parts. "Eh 'di bakuran mo."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ipinatong ko ang mga braso ko sa table bago bahagyang lumapit sa kan'ya. "Twila, I'm serious."

She laughed before looking at me. "Okay nga lang. Wala pa rin akong balak na mag-boyfriend ulit kaya feeling ko... makakatulong naman 'yung pambabakod mo."

Napahilamos ako sa mukha bago humigop sa Iced Latte ko. "Babakuran talaga kita."

"Babakuran mo talaga ako," muli siyang tumawa matapos sabihin 'yan. "Mag-aral ka na nga lang, malapit na ang final exam."

I chuckled, slightly nodding. Sinabayan ko na rin siya sa pag-aaral dahil 'yon naman talaga ang ipinunta namin dito.

It's been more than two months. The first time we met each other, wala pang midterm exam. Right now, final examination is coming and I can't believe that I am still seeing Twila without having to take her to bed.

Kaya ko pala 'yon?

I thought, my lifestyle before will always be like that. Bakit simula nang maging malapit ako sa kan'ya, mas gusto ko na lang makasama siya sa lahat ng oras kaysa mambabae?

"Gusto ko nang matapos 'to," sabi niya habang nag-iinat, matapos ang ilang oras ng pagre-review. Isinarado ko ang mga aklat niya at iniligpit. "Huy, hindi pa ako tapos."

I looked at her. "Magpahinga ka nga muna."

She chuckled. "Sayang oras, 10:30 p.m. pa lang."

"Mas masasayang kung mamamatay ka kare-review."

Tumawa siya sa sinabi ko bago tinanggal ang suot na specs. "Sige na nga. Inaantok na rin ako. Bukas na lang ulit bago ang exam."

Tumango ako bago tumayo, dala ang mga aklat niya. Nauna na siyang maglakad sa akin palabas ng coffee shop. Pinagbuksan ko siya ng pintuan para makalabas siya, bago ako sumunod sa kan'ya.

"Nakapag-review ka ba nang maayos?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Tumango ako. "Yup."

Sinuntok niya ang balikat ko, dahilan ng pagtawa ko. "Pinanonood mo lang ako, eh."

"Don't worry about me, I can handle this," I winked at her.

Nang makarating kami sa sasakyan, pinatunog ko ang car alarm ko bago siya pinagbuksan. Nagpasalamat siya sa akin nang makaupo na sa loob, bago kinuha ang mga aklat niyang dala ko. Pagkatapos no'n, umikot na ako para makasakay sa driver's seat.

Presque Vu [Phenomena Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon